Para sa Lakas ng mga Kabataan
Daigin ang Mundo at Makasumpong ng Kapahingahan
Enero 2024


“Daigin ang Mundo at Makasumpong ng Kapahingahan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ene. 2024.

Mga Salitang Ipamumuhay

Daigin ang Mundo at Makasumpong ng Kapahingahan

Daigin ang Mundo at Makasumpong ng Kapahingahan

Mga larawang-guhit ni Bryan Beach

I-download ang PDF

Dahil nadaig ni Jesucristo ang makasalanang mundong ito, at dahil nagbayad-sala Siya para sa bawat isa sa atin, madaraig din ninyo ang mundong ito na puno ng kasalanan, makasarili, at kadalasa’y nakakapagod.

Kapag tunay kayong nagsisisi at humihingi ng tulong sa Kanya, madaraig ninyo ang kasalukuyang mapanganib na mundong ito at makasusumpong kayo ng tunay na kapahingahan.

Ano ang ibig sabihin ng daigin ang mundo?

Ang ibig sabihin nito ay:

  • Pagdaig sa tuksong mas pahalagahan ang mga bagay ng mundong ito kaysa sa mga bagay ng Diyos.

  • Pagtitiwala sa doktrina ni Cristo nang higit kaysa sa mga pilosopiya ng mga tao.

  • Pagkalugod sa katotohanan, pagtuligsa sa panlilinlang, at pagiging “mapagpakumbabang mga alagad ni Cristo.”

  • Pagpiling iwasan ang anumang bagay na nagtataboy sa Espiritu at pagiging handang “talikuran” maging ang ating mga paboritong kasalanan.

  • Pagmamahal sa Diyos at sa Kanyang Pinakamamahal na Anak nang higit kaysa sa pagmamahal mo sa sinuman o sa anupaman.

Paano natin madaraig ang mundo?

  • Hangarin at sundin ang mga pahiwatig ng Espiritu.

  • Magsisi araw-araw at tuparin ang mga tipan na nagkakaloob sa atin ng kapangyarihan.

  • Manatili sa landas ng tipan.

Ang Tagapagligtas ang tumutulong sa atin na madaig ang impluwensya ng masamang mundong ito sa pamamagitan ng pagkakaloob sa atin ng higit na pag-ibig sa kapwa, pagpapakumbaba, pagiging bukas-palad, kabaitan, disiplina sa sarili, kapayapaan, at kapahingahan.

Dahil nadaig ni Jesucristo ang mundong ito, magagawa rin ninyo iyon.