Para sa Lakas ng mga Kabataan
Kailangan ko ng payo sa pagpaplano ng mga aktibidad para sa mga kabataan. Ano ang ilang magagandang ideya?
Enero 2024


“Kailangan ko ng payo sa pagpaplano ng mga aktibidad para sa mga kabataan. Ano ang ilang magagandang ideya?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ene. 2024.”

Mga Tanong at mga Sagot

“Kailangan ko ng payo sa pagpaplano ng mga aktibidad para sa mga kabataan. Ano ang ilang magagandang ideya?”

Maghalinhinan at Sama-samang Magplano

dalagita

“Naghahalinhinan kami bawat linggo sa pagpaplano ng mga aktibidad. Nakakaalis ito ng stress sa isang tao, at nakakakuha kami ng iba’t ibang mga ideya. Makakatulong din ang pagkakaroon ng isang aktibidad kung saan nagpaplano kayong lahat. Gustung-gusto naming maglaro ng games, magtawanan, at maglingkod.”

Adelynne S., 17, Utah, USA

Dalhin ang Iba sa Tagapagligtas

dalagita

“Itanong sa mga miyembro ng iyong klase o korum kung ano ang ikinasisiya nilang gawin. Pumili ng mga aktibidad na mas maglalapit sa mga kabataan sa isa’t isa at sa Tagapagligtas, at sama-samang magsaya! Noon pa man ay isa na sa mga paborito ko ang mga aktibidad sa paglilingkod. Lagi akong may mga bagong kaibigan!”

Katie G., 18, Washington, USA

Subukang Isama ang Lahat

dalagita

“Ang mga aktibidad na maaaring makilahok ang lahat ay maaaring magpadama sa iba na mas tanggap sila. Ang pagtatanong sa inyong grupo kung anong mga libangan o iba pang mga bagay na ikinasisiya nila ay napakalaking tulong.”

Lily D., 13, Arizona, USA

Tatlong Tanong

dalagita

“Madalas magplano ng mga aktibidad ang klase ko batay sa tatlong tanong: Ano ang kailangan nating pagbutihin pa? Sino ang kailangan nating suportahan? Oras na ba para sa isang aktibidad na mas kaunting oras at lakas ang iuukol kumpara sa iba pang mga aktibidad? Nasasaisip ang mga bagay na ito, manalangin, magnilay-nilay, at mag-usap-usap. Kaya ninyo ito!”

Isabella R., 14, Oregon, USA

Espirituwal na Kuwadro

dalagita

“Kakailanganin mo ng ilang magasin ng Simbahan para magupit mo ang mga espirituwal na larawan o mensahe na nagbibigay-inspirasyon sa iyo. Pagkatapos ay ilagay sa isang kuwadro ang ginupit mo na kakaiba ang pagkakaayos. Maaari mo itong ilagay sa isang lugar na matitingnan mo ito.”

Florence M., 14, British Columbia, Canada