2010
Mga Bahay ng Panginoon
2010


Mga Bahay ng Panginoon

Ang templo ay lugar ng pagkatuto para sa Tagapagligtas noong narito Siya sa lupa; malaking bahagi ito ng Kanyang buhay. Ang mga pagpapala ng templo ay muling narito sa ating panahon” (James E. Faust, “Ang Pagpapanumbalik ng Lahat ng Bagay,” Liahona, Mayo 2006, 67).

Ang templo ay literal na bahay ng Panginoon. Ito ay lugar kung saan tinuturuan ng Diyos ang Kanyang mga anak at inihahanda sila sa pagbalik sa Kanyang piling. Ito ay lugar kung saan pinag-iisa tayo bilang mga pamilya at tinuturuan ng mga paraan ng Panginoon.

“Sa pagkilala sa mga ninuno natin at pagganap para sa kanila ng mga ordenansang hindi nila mismong magagampanan ay nagpapatotoo tayo sa … walang hanggang saklaw ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo” (D. Todd Christofferson, “Ang Pagtubos sa mga Patay at ang Patotoo kay Jesus,” Liahona, Ene. 2001, 11).

“Ang [proseso ng] pagtaglay sa ating sarili ng pangalan ni Jesucristo na nagsimula sa binyag ay nagpapatuloy at lumalawak sa bahay ng Panginoon. … Sa mga ordenansa ng banal na templo natin ganap at lubusang tinataglay sa ating sarili ang pangalan ni Jesucristo” (David A. Bednar, “Marangal na Humawak ng Pangalan at Katayuan,” Liahona, Mayo 2009, 98).

“Sa maningning na kaluwalhatian nito, tila tinatawag ng templo ang bawat makakita sa kariktan nito, ‘Halina! Magpunta sa bahay ng Panginoon. Dito matatagpuan ang kapahingahan ng napapagod at kapayapaan para sa kaluluwa.’ … Inihahanda ng [templo] ang lahat ng pumapasok sa pagbalik pauwi—pauwi sa langit, pauwi sa pamilya, pauwi sa Diyos” (Thomas S. Monson, “Days Never to Be Forgotten,” Ensign, Nob. 1990, 67, 70).

Washington D.C. Temple. Inilaan noong Nob. 19, 1974.

Fountain, Nashville Tennessee Temple.

Stained glass, Palmyra New York Temple (dulong kaliwa).

Hong Kong China Temple. Inilaan noong Mayo 26, 1996.

Arches, Bountiful Utah Temple.

Cochabamba Bolivia Temple. Inilaan noong Abr. 30, 2000.

Detalye ng pagkakantero, Cardston Alberta Temple.

Fencing, Sacramento California Temple.

Accra Ghana Temple. Inilaan noong Ene. 11, 2004.