Mga Bagay na Nauukol sa Bahay na Ito
Ang baptismal font o bautismuhan ng templo ay nakapatong sa mga likod ng labindalawang baka (tingnan sa II Mga Cronica 4:2–4 ), na sumasagisag sa labindalawang lipi ng Israel. Sa pagsunod sa halimbawa ng Tagapagligtas sa di-makasariling paglilingkod, makapagsasagawa tayo ng mga binyag para sa ating mga ninuno na namatay nang hindi natatanggap ang ordenansang ito.
Sa mga ordinance room o silid ng ordenansa ay nagbibigay ng maikling buod tungkol sa plano ng Diyos para sa Kanyang mga anak. Nalalaman ng mga Banal sa mga Huling Araw ang tungkol sa kanilang buhay bago ang buhay dito sa lupa at ang mortal nilang buhay, ang paglikha sa daigdig at ang Pagkahulog ng tao, ang sentrong papel na ginampanan ni Jesucristo bilang Manunubos ng lahat ng mga anak ng Diyos, at ang mga pagpapalang matatanggap nila sa kabilang-buhay.
Ang silid selestiyal ay sagisag ng dinakila at payapang kalagayan na maaaring makamtan ng lahat sa pamamagitan ng pamumuhay ng ebanghelyo ni Jesucristo. Isinasagisag ng silid na ito ang kapanatagan, katahimikan ng kalooban, at kapayapaang makakamtan ng mga walang hanggang pamilya sa piling ng Ama sa Langit at ng Kanyang Anak na si Jesucristo.
Sa sealing room, ang magkasintahan ay ikinakasal hindi lamang sa buhay na ito kundi maging sa kawalang-hanggan.
Stained glass, Nauvoo Illinois Temple (dulong kaliwa).
Bautismuhan, Draper Utah Temple.
Bautismuhan, The Gila Valley Arizona Temple.
Silid ng ordenansa, Manhattan New York Temple.
Silid ng ordenansa, Newport Beach California Temple.
Silid selestiyal, San Antonio Texas Temple.
Malaking hagdan, Oquirrh Mountain Utah Temple.
Mesang yari sa kahoy, Mexico City Mexico Temple.
Sealing room, Vancouver British Columbia Temple.