2013
Paglilibot sa Nauvoo
Agosto 2013


Sa Daan

Paglilibot sa Nauvoo

Halina kayo at tingnan ang isang mahalagang lugar sa kasaysayan ng Simbahan!

Unti-unting naging maalikabok ang daan habang lumalakad kayo sa lansangan. Makikita ninyo ang kislap ng sikat ng araw sa Mississippi River. Pagkatapos ay isang kabayong may hilang bagon ang mabilis na lumampas sa inyo. Bumalik na ba kayo sa unang panahon? Hindi, kayo ay nakatayo sa Parley Street sa Nauvoo, Illinois.

Noong 1839 sina Propetang Joseph Smith at naunang mga miyembro ng Simbahan ay nanirahan sa Nauvoo at nagtayo ng isang magandang lungsod at templo. Tumira sila rito hanggang sa kalagitnaan ng 1840s, nang simulan nila ang kanilang paglalakbay pakanluran.

Gumawa pa ang mga Banal ng sarili nilang magagandang butones.

Ang salitang Nauvoo ay mula sa salitang Hebreo na ang ibig sabihin ay “magandang lugar.” Ang Nauvoo ay may magagandang halamanan, mga gusaling yari sa ladrilyo, at mga luntiang bukirin.

Maraming lumang gusali sa Nauvoo ang naipanumbalik sa dating hitsura. Ang mga misyonero na nakasuot ng damit na pang-1840s ay nagkukuwento sa mga bisita tungkol sa mga Banal noong unang panahon. Maaari mong tikman ang gingerbread cookie sa Scovil Bakery o tingnan kung paano ginagawa ang mga sapatos sa boot shop.

Mahal ang papel at selyo, kaya ginamit ng mga tao ang “cross writing” sa pagliham. Susulat sila sa isang bahagi ng papel, at pagkatapos ay babaligtarin ang papel at susulatan ito. Subukan ninyo at tingnan kung mababasa ninyo ang inyong isinulat!

Tatlong tao ang kailangan para gumawa ng lubid sa paraan na ginamit ng mga pioneer!

Sa paaralan, chalk ang gamit ng mga bata sa pagsulat sa munting pisara.

Ang Nauvoo Temple ay nakatayo sa isang burol kung saan tanaw ang lungsod at ilog. Basahin pa ang tungkol sa templo sa susunod na isyu sa isang buwan!

Sa paggawa ng kandila, itinatali ang pisi sa bato at inilulubog ito nang paulit-ulit sa taba ng hayop.

Ang liwanag na mula sa parol na ito ay lumilikha ng nakakatuwang mga disenyo sa mga dingding at kisame.