2013
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Agosto 2013


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang halimbawa.

“Piliing Huwag Magtsismis,” pahina 59: Isiping basahin ang artikulong ito at ang bahagi tungkol sa pananalita na nasa Para sa Lakas ng mga Kabataan (pahina 20). Talakayin ang mga paraan para malaman kung marapat bang sabihin sa iba o hindi ang isang bagay na inyong narinig. Ang sumusunod na mga tanong ay maaaring maging bahagi ng talakayang iyan: Totoo ba ang impormasyon? Kailangan bang ipagsabi ang impormasyong ito? Tama bang ikuwento ang inyong narinig? Para sa aktibidad, maaari kayong kumuha ng papel para sa bawat miyembro ng pamilya at isulat ang kanilang pangalan sa itaas ng papel. Pagkatapos ay ipasa sa lahat ang papel at ipasulat sa mga miyembro ng pamilya ang mga bagay na pinasasalamatan nila at gusto nila sa bawat tao.

“Nakawalang mga Alpaca!” pahina 67, “Dinidinig at Sinasagot ng Ama sa Langit ang mga Dalangin Ko,” pahina 70, at “Ang Ating Sagot,” pahina 75: repasuhin ang mga kuwentong ito at talakayin ang ilang dahilan kung bakit tayo nananalangin. Kung madarama ninyo, magbahagi ng naging karanasan ninyo sa panalangin. Nakatanggap na ba kayo ng tulong, tulad ni Romney? Gusto ba ninyong malaman ang katotohanan, tulad ni Tatiana? Matapos basahin ang mga kuwento, maaari kayong magbahagi ng ilang talata sa mga banal na kasulatan tungkol sa panalangin, tulad ng 2 Nephi 32:8–9 at Doktrina at mga Tipan 10:5. Anyayahan ang bawat miyembro ng pamilya na mithiin na pagbutihin pa ang kanyang sariling mga panalangin. Maaari kayong magtapos sa pagkanta ng himno tungkol sa panalangin, tulad ng “Sintang Oras ng Dalangin” (Mga Himno, blg. 84).

Sa Inyong Wika

Ang Liahona at iba pang mga materyal ng Simbahan ay makukuha sa maraming wika sa languages.lds.org.