Larawan ng Propeta
Heber J. Grant
Si Heber J. Grant ang nag-organisa at nangulo sa unang misyon sa Japan. Siya ang Pangulo ng Simbahan nang magsimulang gumamit ang Simbahan ng radyo sa pagbobrodkast ng mga mensahe. Nang kinailangan ng mga miyembro ng tulong sa panahon ng Great Depression, binuo ni Pangulong Grant ang welfare program ng Simbahan, pati na ang Deseret Industries. Ang samahang ito pa rin ang nangongolekta ng mga aytem at ipinagbibili o ipinamimigay ito sa mga taong nangangailangan.