Notebook ng Kumperensya ng Abril 2013
“Kung ano ang sinabi ko, ang Panginoon, ay sinabi ko; … maging sa pamamagitan ng sarili kong tinig o sa tinig man ng aking mga tagapaglingkod, ito ay iisa” (D at T 1:38 ).
Habang nirerepaso ninyo ang pangkalahatang kumperensya ng Abril 2013, magagamit ninyo ang mga pahinang ito (at ang mga Notebook ng Kumperensya sa darating na mga isyu) upang tulungan kayong pag-aralan at ipamuhay ang mga itinuro kamakailan ng mga buhay na propeta at apostol at ng iba pang mga pinuno ng Simbahan.
Para mabasa, mapanood, o mapakinggan ang mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, bisitahin ang conference.lds.org.
“Inihahayag ng Diyos sa Kanyang mga propeta na may mga tiyak na alituntunin ng moralidad. Ang kasalanan ay mananatiling kasalanan. Ang pagsuway sa mga kautusan ng Panginoon ay magkakait sa atin ng Kanyang mga pagpapala. Patuloy at kapansin-pansin ang pagbabago ng daigdig, ngunit ang Diyos, ang Kanyang mga kautusan, at mga ipinangakong biyaya ay … hindi nagbabago. … Hindi natin dapat piliin ang mga kautusan na sa palagay natin ay siya lamang mahalagang sundin, sa halip ay sundin natin ang lahat ng utos ng Diyos. Dapat manatili tayong matatag at di-natitinag, na lubos na nananalig na hindi nagbabago ang Panginoon at lubos na nagtitiwala sa Kanyang mga pangako.”
Elder L. Tom Perry ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Ang Pagsunod sa Batas ay Kalayaan,” Liahona, Mayo 2013, 88.
“Kayong mga kabataan, sundin ang bago ninyong kurikulum at ituro sa isa’t isa ang doktrina ni Jesucristo. Ngayon ang panahon para maghandang turuan ang isa’t isa tungkol sa kabutihan ng Diyos.
“Mga kabataan, laging mahalaga ang inyong edukasyon. … Hinihikayat namin kayong mag-enrol sa gusto ninyong eskwelahan bago magmisyon.
“Kayong mga magulang, guro, at iba pa, makibahagi kayo sa kasiglahan habang inihahanda ninyo ang mga bagong henerasyon na maging karapat-dapat magmisyon. Samantala, ang mabuti ninyong pamumuhay ay mapapansin ng mga kaibigan at kapitbahay ninyo.
“Kayong mga nakatatanda, makibahagi sa pamamagitan ng pagtulong sa espirituwal, pisikal, at pinansyal na paghahanda ng mga magiging missionary.
“Kayong mga senior couple, planuhin ang araw na maaari na kayong magmisyon.
“Ang mga stake president at bishop … ang mayhawak ng mga susi at responsibilidad sa gawaing misyonero sa kanilang mga unit.
“Kayo, bilang mga ward mission leader, ang nag-uugnay sa mga miyembro at missionary sa sagradong gawaing ito ng pagsagip sa mga anak ng Diyos.”
Elder Russell M. Nelson ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Makibahagi sa Kasiglahan ng Gawain,” Liahona, Mayo 2013, 45, 46.
“Para maibahagi ang ebanghelyo, nagpasimula ng ilang blog ang mga kabataang miyembro sa Boston. Yaong mga sumapi sa Simbahan ay sinimulan ang pag-aaral nila online, na sinundan ng mga pakikipagtalakayan sa mga missionary. … Sabi ng isa sa [mga blogger], ‘Hindi ito gawaing misyonero. Ito ay masayang gawain ng misyonero.”1
“Bakit hindi kayo pumili ng oras sa isang araw na hindi kayo gagamit ng teknolohiya at mag-usap kayo nang personal? Patayin lang ang lahat ng electronic device ninyo.”2
“Markahan ang mahahalagang talata sa inyong device at sumangguni sa mga ito nang madalas. … Di-magtatagal daan-daang talata ang maisasaulo ninyo. Ang mga talatang iyon ay mapapatunayang mabisang pagkunan ng inspirasyon at patnubay ng Espiritu Santo sa oras ng pangangailangan.”3
Mga Tala
Neil L. Andersen, “Ito ay Isang Himala,” Liahona, Mayo 2013, 79.
Rosemary M. Wixom, “Ang mga Salitang Sinasambit Natin,” Liahona, Mayo 2013, 82.
Richard G. Scott, “Para sa Kapayapaan sa Tahanan,” Liahona, Mayo 2013, 30.
“Gamit ang pondong bukas-palad na ibinibigay ng mga miyembro, Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay nagpapadala ng pagkain, damit, at iba pang mahahalagang bagay para mapagaan ang pagdurusa ng matatanda at mga bata sa buong mundo. Ang mapagkawanggawang donasyong ito, na umabot nang daan-daang milyong dolyar nitong huling dekada, ay ibinibigay sa lahat, anuman ang kanilang relihiyon, lahi, o bansa. … Sa huling quarter na siglo nakatulong tayo sa halos 30 milyong katao sa 179 na bansa.”
Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Mga Tagasunod ni Cristo,” Liahona, Mayo 2013, 98.