2013
Ang Ating Pahina
Agosto 2013


Ang Ating Pahina

Ang mga bata sa Castellón Ward sa Spain ay natututo sa Primary na manalangin, basahin at unawain ang mga banal na kasulatan, at paglingkuran ang kanilang mga kapitbahay.

Giordano V., edad 5, Peru

Daniel, ni Dali M., edad 10, Mexico

Gusto kong ibahagi ang aking patotoo: Alam ko na buhay ang Diyos, dinidinig at sinasagot Niya ang ating mga panalangin kung may pananampalataya tayo. Alam ko na mahal tayo ni Jesucristo, at alam ko na totoo ang Aklat ni Mormon.

Elisa F., edad 11, Brazil

Gusto kong ibahagi ang nadama ko noong araw na nabinyagan ako. Habang pababa ako sa hagdan papuntang bautismuhan, nadama kong may narinig akong tinig na nagsasabing, “Paula, ginagawa mo ang tama.” Tuwang-tuwa akong mabinyagan!

Paula G., edad 9, Argentina

Si Francisco P., edad 4, mula sa Chile, ay gustung-gustong bumibisita sa Santiago Chile Temple garden. Nag-aaral siyang magbigay ng mga mensahe sa Primary at laging nagdarasal. Gusto niyang tumulong sa family home evening.

Si Kayque M., edad 5, mula sa Brazil, ay napakatalino at alistong batang lalake, kahit hindi siya makalakad dahil sa cerebral palsy. Gustung-gusto niyang magsimba. Gustung-gusto niya ang mga himno at palaging kumakanta sa sacrament meeting. Ang unang himno na natutuhan niya ay “Ako ay Anak ng Diyos.” Si Kayque ay mapagmahal, gustung-gusto niyang magbigay ng papuri, at siya ay malaking pagpapala sa kanyang pamilya.