2013
Gumawa ng Talaan
Agosto 2013


Mga Kabataan

Gumawa ng Talaan

Binanggit ni Pangulong Eyring ang sinabi ni Pangulong Spencer W. Kimball (1895–1985) noong sabihin nito na “ang pagsusulat sa journal ay isang paraan ng pagbibilang ng ating mga pagpapala at pag-iiwan ng talaan ng mga pagpapalang ito na mababasa ng ating mga inapo.” Sa pangkalahatang kumperensya noong Oktubre 2012, nagpatotoo si Pangulong Thomas S. Monson tungkol sa pagsusulat sa journal. Ibinahagi niya ang ilang karanasan mula sa kanyang buhay, at idinagdag na, “Ang daily journal ko, na maraming taon ko nang iniingatan, ay nakatulong sa pagbibigay ng partikular na mga bagay na malamang na hindi ko na maaalala.” Nagpayo siya, “Suriin ang inyong buhay at isipin ang mga pagpapala, malaki at maliit, na natanggap ninyo” (“Isipin ang mga Pagpapala,” Liahona, Nob. 2012, 86). Sikaping sundin ang payo ng mga propetang ito at magtakda ng mithiin na magsulat sa inyong journal.