2014
Ang Ating Pahina
Pebrero 2014


Ang Ating Pahina

Ang Panalangin ni Joseph Smith sa Kagubatan, ni Carolina M., edad 7, Brazil

Ang Punungkahoy ng Buhay, ni Raquel C., edad 7, Bolivia

Mithiin kong magpunta sa templo upang mabuklod at magkaroon ng walang-hanggang pamilya. Gusto ko ring magmisyon. Sa 1 Nephi 6:5, sinabi ni Nephi na isinusulat niya ang mga bagay na nakasisiya sa Diyos at hindi sa sanlibutan. Gusto ko ring gawin ang mga bagay na kasiya-siya sa Diyos at hindi sa mundo. Alam ko na tinutulungan tayo ng Diyos, at alam Niya ang kailangan natin.

Lis D., edad 11, Argentina

Sa wakas ay dumating din ang araw na pinakahihintay ko. Ako ang huling nabinyagan sa pamilya ko dahil ako ang pinakabata. Bininyagan ako ng tatay ko dahil taglay niya ang priesthood; siya rin ang bishop. Ngayon ay miyembro na ako ng Simbahan ni Jesucristo.

Jonathan L., edad 8, Ecuador

Si Jonas ay isang Propeta, ni Brigham C., edad 5, Mexico

Arka ni Noe, ni Ivanhoe C., edad 9, Mexico

Ang tiyo ko ay full-time missionary sa Guatemala, at talagang nangungulila ako sa kanya. Pero nalaman ko na naglilingkod siya sa Ama sa Langit, at paglaki ko, gusto kong magmisyon katulad niya. Kaya nga gusto ko ang awitin sa Primary na “Sana Ako’y Makapagmisyon.”

Manuel L., edad 5, El Salvador

Print