2014
Makipagdeyt o Huwag Makipagdeyt
Pebrero 2014


Makipagdeyt o Huwag Makipagdeyt

Ang awtor ay naninirahan sa Nevada, USA.

illustration of boy and girl with FSOY pamphlet A young man is leaning towards a young woman with lips puckered for a kiss.  The young woman is holding up a copy of "For the Strength of Youth."

Paglalarawan ni Ben Simonsen

Sa eskuwelahan namin marami sa mga estudyante ang may kasintahan na. Sa unang araw ko sa eskuwelahan bilang eighth grader, nakilala ko ang isang tao na Paul ang pangalan. Magkasundo kami. Mabait na kaibigan si Paul.

Kinabukasan pagkatapos ng klase niyaya niya akong magdeyt. Sinabi kong hindi ako puwede, at itinanong niya kung bakit. Sinabi ko sa kanya na miyembro ako ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at hindi kami dapat makipagdeyt hangga’t wala pa kaming 16 na taong gulang. Itinanong ni Paul kung bakit, at nalaman ko na hindi ko talaga alam ang dahilan.

Nang gabing iyon umuwi ako at pinag-isipan ko ang tanong ni Paul. Nagsaliksik ako sa LDS.org at nagbasa ng mga banal na kasulatan. May nakita akong pahayag ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008): “Ginawa tayong kaakit-akit ng Panginoon sa isa’t isa dahil sa dakilang layunin. Ngunit ang pagkaakit na ito mismo ang nagiging mitsa maliban na ito’y makontrol. … Ito ang dahilan kung bakit ipinapayo ng Simbahan na huwag [makipagdeyt] sa murang gulang.”1

Binasa ko rin ang Para sa Lakas ng mga Kabataan. Sinasabi rito na ang pakikipagdeyt ay “matutulungan kayo … na matutong makihalubilong mabuti, makipagkaibigan, magkaroon ng makabuluhang kasayahan, at sa huli ay makahanap ng makakasama sa kawalang-hanggan.”2

Kinabukasan ipinakita ko kay Paul ang buklet na Para sa Lakas ng mga Kabataan. Nakita ng ibang mga tao na binabasa ito ni Paul, at tinulungan ako ng mga kaibigan kong LDS na sagutin ang mga tanong ng mga kaklase ko. Masaya ako na may naisagot ako sa tanong ni Paul.

Sinasabi sa Para sa Lakas ng Kabataan na ang pakikipagdeyt bago sumapit sa edad na 16 at ang seryosong pakikipagrelasyon nang napakabata pa ay maaaring humantong sa imoralidad at maglilimita sa bilang ng mga taong makikilala natin. Sinasabi rin sa akin ng nanay ko na hindi tayo dapat makipagdeyt nang wala pang 16 na taong gulang dahil hadlang ito sa pag-aaral at mga pagkakataon na maaaring mahalaga sa tagumpay sa hinaharap. Nakita kong nalungkot ang mga kaibigan ko nang makipaghiwalay sila sa kanilang kasintahan sa edad na 13.

Natutuwa akong malaman sa sarili ko kung bakit hindi tayo dapat makipagdeyt bago sumapit sa edad na 16 at masagot ang tanong ni Paul nang hindi sinasaktan ang kanyang damdamin. Nagkaroon ako ng mabuting kaibigan, at umaasa ako na matagal kaming magiging magkaibigan. Nagpapasalamat ako na binigyan tayo ng Panginoon ng mga kaibigan at ng pagkakataong makipagdeyt sa tamang edad upang balang araw ay makahanap tayo ng tapat na kabiyak sa kawalang-hanggan.

Mga Tala

  1. “Payo at Panalangin ng Isang Propeta para sa Kabataan,” Liahona, Abr. 2001, 38.

  2. Para sa Lakas ng mga Kabataan (buklet, 2011), 4.