“Ang Tinapay ng Buhay,” Liahona, Dis. 2022.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Mikas
Ang Tinapay ng Buhay
Sa buong taon na ito sa ating pag-aaral sa Lumang Tipan, natuklasan natin ang maraming simbolo na tumutulong sa atin na mapalalim ang ating pagmamahal at pag-unawa sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo. Isa sa mga simbolong ito, bagama’t hindi gaanong napapansin kumpara sa maraming iba pa, ay ang lugar ng kapanganakan ng Tagapagligtas—Betlehem.
Patungkol sa lugar ng kapanganakan ng Tagapagligtas, ipinahayag ni propetang Mikas, “Ngunit ikaw, Bethlehem sa Efrata, na maliit upang mapabilang sa mga angkan ng Juda, mula sa iyo ay lalabas para sa akin ang isa na magiging pinuno sa Israel; nang una, mula nang walang hanggan” (Mikas 5:2).
Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson: “Pinili Niyang isilang sa Betlehem, katabi ang Jerusalem. Bakit kailangang sa Betlehem? May simbolikong kahalagahan ba sa kahulugan ng pangalang Betlehem, na ibig sabihin sa Hebreo ay ‘bahay ng tinapay’? Ipinahayag ng Dakilang Tagatustos ang Kanyang sarili bilang ‘tinapay ng buhay.’ (Tingnan sa Juan 6:48.) Napakaangkop na Siya, na ‘tinapay na buhay,’ ay magmumula sa “bahay ng tinapay.””1