“Paano Nagpapatotoo ang mga Simbolong Ito kay Jesucristo?” Liahona, Dis. 2022.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Pasko
Paano Nagpapatotoo ang mga Simbolong Ito kay Jesucristo?
Hindi lamang pamilyar ang mga simbolong ito ni Jesucristo sa mga tao sa Kanyang panahon, kundi nagpapatotoo ang mga ito tungkol sa Kanyang ginagampanan sa ating buhay ngayon.
Ahas na Tanso
“Kung paanong itinaas ni Moises sa ilang ang ahas, kailangan din namang itaas ang Anak ng Tao:
“Upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:14–15).
Paano nakatutulong sa iyo ang pag-asa sa Tagapagligtas para matiis ang iyong mga pagsubok?
Manna
“Sapagkat ang tinapay ng Diyos ay ang bumababang mula sa langit at nagbibigay ng buhay sa sanlibutan” (Juan 6:32–33).
Tulad ng mga Israelita na nagtipon ng manna araw-araw, paano mapapakain ng “pagtitipon” araw-araw ng mga salita ng Panginoon ang iyong espiritu?
Tubig
“Ang tubig na aking ibibigay sa kanya ay magiging isang bukal ng tubig tungo sa buhay na walang hanggan” (Juan 4:14).
Kapag tumatanggap ka ng tinapay at tubig ng sakramento, isipin kung paano nakatutulong sa atin ang mga turo at Pagbabayad-sala ni Jesus na maging karapat-dapat sa buhay na walang hanggan.
Tupa
“[Tinubos] ng mahalagang dugo ni Cristo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis” (1 Pedro 1:19).
Ang pag-aalay ng mga hayop sa Lumang Tipan ay simbolo ng sakripisyo ng Panginoon para sa atin. Ang ating sakripisyo ngayon ay pagbibigay sa Kanya ng “bagbag na puso at nagsisising espiritu” (3 Nephi 9:20). Kailan mo nadama na naibigay mo ang sakripisyong iyon?