Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Agosto 25–31: “Tumanggap ng Kanyang Kaganapan”: Doktrina at mga Tipan 93


“Agosto 25–31: ‘Tumanggap ng Kanyang Kaganapan’: Doktrina at mga Tipan 93,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: Doktrina at mga Tipan 2025 (2025)

“Doktrina at mga Tipan 93,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: 2025

Ang Ama sa Langit at si Jesucristo

Detalye mula sa I See the Son of Man [Nakikita Ko ang Anak ng Tao], ni Walter Rane

Agosto 25–31: “Tumanggap ng Kanyang Kaganapan”

Doktrina at mga Tipan 93

“Kapag kayo ay aakyat ng hagdan,” pagtuturo ni Joseph Smith, “kailangan kayong magsimula sa ibaba, at umakyat nang paisa-isang baitang, hanggang sa kayo ay makarating sa itaas; gayundin sa mga alituntunin ng ebanghelyo—kailangan kayong magsimula sa una, at magpatuloy hanggang sa matutuhan ninyo ang lahat ng alituntunin ng kadakilaan” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 312).

Kung minsa’y tila napakataas ng hagdan tungo sa kadakilaan, pero tayo ay isinilang para umakyat hanggang itaas na may patuloy na tulong ng Tagapagligtas. Anumang mga limitasyon ang maaari nating makita sa ating sarili, may nakikitang kaluwalhatian sa atin ang Ama sa Langit at ang Kanyang Anak, isang bagay na parang sa Diyos. Tulad ng si Jesucristo “sa simula ay kasama ng Ama,” “kayo rin sa simula ay kasama ng Ama” (Doktrina at mga Tipan 93:21, 23). Tulad ng Siya ay “nagpatuloy nang biyaya sa biyaya, hanggang sa tanggapin niya ang kaganapan,” “kayo [din] ay makatatanggap nang biyaya sa biyaya” (talata 13, 20). Nagtuturo sa atin ang ipinanumbalik na ebanghelyo tungkol sa likas na katangian ng Diyos, kaya nagtuturo din ito tungkol sa iyong sariling likas na katangian at tadhana. Ikaw ay literal na anak ng Diyos na may potensyal na “sa takdang panahon ay tumanggap ng kanyang kaganapan” (talata 19).

icon ng pag-aaral

Mga Ideya para sa Pag-aaral sa Tahanan at sa Simbahan

Doktrina at mga Tipan 93

Tulad ni Jesucristo, maaari akong maluwalhati at makatanggap ng “kaganapan.”

Itinuro ni Propetang Joseph Smith, “Kung hindi nauunawaan ng mga tao ang katangian ng Diyos, hindi nila nauunawaan ang kanilang sarili” (Mga Turo: Joseph Smith46). Habang natututo ka tungkol sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan 93, hanapin kung ano rin ang natututuhan mo tungkol sa iyong sarili. Halimbawa, ano ang natutuhan mo tungkol sa Kanya mula sa mga talata 3, 12–31, 21, at 26? Anong katulad na mga katotohanan ang nakita mo tungkol sa iyong sarili sa mga talata 20, 23, at 28–29? (tingnan din sa 1 Juan 3:2; 3 Nephi 27:27). Maaaring makatulong sa iyo ang sumusunod na mga tanong para maunawaan at maipamuhay mo ang mga katotohanan sa bahaging ito:

  • Ano sa pakiramdam mo ang ibig sabihin ng tumanggap “nang biyaya sa biyaya” at magpatuloy “nang biyaya sa biyaya”? (mga talata 12–13). Kung makakatulong, maaari mong basahin ang “Biyaya” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan (Gospel Library).

  • Ano ang natuklasan mo sa paghahayag na ito tungkol sa kung paano ka tinutulungan ng Diyos na lumago at matuto? Paano naaapektuhan ng pagkaalam dito ang paraan ng pagtrato mo sa iba—at sa iyong sarili?

  • Ano ang natutuhan mo “kung paano sumamba, at … kung ano ang [iyong] sasambahin”? (talata 19; tingnan din sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Pagsamba,” Gospel Library).

Doktrina at mga Tipan 93:1–39

icon ng seminary
Ang kaluwalhatian ng Diyos ay liwanag at katotohanan.

Maaari mong mapansin na ang mga salitang tulad ng kaluwalhatian, liwanag, at katotohanan ay madalas lumitaw sa paghahayag na ito. Habang pinag-aaralan mo lalo na ang mga talata 20–39, ilista ang mga katotohanang matutuhan mo tungkol sa mga konseptong ito. Maaaring makatulong ang paggawa ng isang table na katulad nito:

Talata

Ano ang natutuhan ko

Mga tanong na pagninilayan

Talata

24

Ano ang natutuhan ko

Mga tanong na pagninilayan

Maraming panlilinlang sa mundo. Paano ko malalaman ang katotohanan? (tingnan din sa Jacob 4:13).

Talata

28

Ano ang natutuhan ko

Mga tanong na pagninilayan

Talata

36

Ano ang natutuhan ko

Ang Diyos ay isang nilalang ng liwanag at katotohanan.

Mga tanong na pagninilayan

Talata

37

Ano ang natutuhan ko

Mga tanong na pagninilayan

Sino ang kilala ko na tila kayang labanan ang masasamang impluwensya? Bakit nila kayang gawin ito?

Talata

Ano ang natutuhan ko

Mga tanong na pagninilayan

Talata

Ano ang natutuhan ko

Mga tanong na pagninilayan

Talata

Tingnan din sa: Doktrina at mga Tipan 50:24

Ano ang natutuhan ko

Mga tanong na pagninilayan

Ano ang nakita mo sa mga talatang ito na naghihikayat sa iyo na humanap ng higit na liwanag at katotohanan? Bakit magagandang titulo ang liwanag at katotohanan para kay Jesucristo? (tingnan sa Juan 8:12; 14:6). Paano naiimpluwensyahan ng mga katotohanang ito ang iyong buhay?

Maaari mo ring itala ang mga pangako tungkol sa iyong walang-hanggang tadhana sa mga talata 20, 22, 28, 33–35. Ano ang kaugnayan sa pagitan ng mga pangakong ito at ng pagtatamo ng liwanag?

Isiping saliksikin ang “Lumakad sa liwanag ng Diyos” (Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Pagpili, 18–21) para malaman kung ano ang magagawa mo para magtamo ng liwanag at kung paano nangangako ang Panginoon na pagpapalain ka. Ang mga video na “Light and Truth, Part 1” at “Part 2” (Gospel Library) ay maaaring magbigay ng karagdagang mga ideya.

Tingnan din ang “Turuang Lumakad sa Liwanag,” Mga Himno, blg. 192; Mga Paksa at Tanong, “Espiritu Santo,” Gospel Library.

6:39

Light and Truth, Part 1

6:49

Light and Truth, Part 2

bintana sa templo

“Ang kaluwalhatian ng Diyos ay … liwanag at katotohanan.”

Doktrina at mga Tipan 93:40–50

“[Isaayos] ang iyong [sariling] sambahayan.”

Ang utos na “[isaayos] ang iyong [sariling] sambahayan” (talata 43) ay hindi tungkol sa pag-oorganisa ng mga paminggalan at aparador kundi tungkol sa pagtuturo—at pagkatuto—tungkol sa “liwanag at katotohanan” (talata 42). Isipin kung paano mo sinisikap na sundin ang payong ito. Anong mga hamon ang kinakaharap mo? Anong mga katotohanan sa Doktrina at mga Tipan 93 ang makakatulong?

Anong mga kabatiran ang natamo mo mula sa mga turong ito ni Elder David A. Bednar?

“Sa opisina ko ay may magandang painting ng taniman ng trigo. Ang painting ay malaking koleksiyon ng bawat hagod ng pinsel---at wala ni isa sa mga hagod na ito ang maganda o kahanga-hanga kung nag-iisa ito. Katunayan, kung nakatayo ka malapit sa canvas, ang makikita mo lang ay isang tumpok ng tila di-magkakaugnay at di-nakakaakit na mga hagod ng pinturang kulay dilaw at ginto at brown. Gayunman, kapag dahan-dahan kang lumayo sa canvas, nagsasama-sama ang bawat hagod ng pinsel at lumilikha ito ng napakagandang tanawin ng taniman ng trigo. Maraming karaniwan at paisa-isang hagod ng pinsel ang nagtutulungan upang makalikha ng isang kaakit-akit at magandang dibuho.

“Bawat panalangin ng pamilya, bawat pag-aaral ng banal na kasulatan, at bawat family home evening ay isang hagod ng pinsel sa canvas ng ating kaluluwa. Walang iisang pangyayari na magmumukhang kaakit-akit para hangaan nang husto o manatili sa alaala. Ngunit tulad ng mga hagod ng pinturang kulay dilaw at ginto at brown na bumagay sa isa’t isa at lumikha ng kahanga-hangang obra-maestra, gayundin hahantong sa makabuluhang espirituwal na mga bunga ang palagian nating paggawa ng tila maliliit na bagay. ‘Dahil dito, huwag mapagod sa paggawa ng mabuti, sapagkat kayo ay naglalagay ng saligan ng isang dakilang gawain. At mula sa maliliit na bagay nagmumula ang yaong dakila’ [Doktrina at mga Tipan 64:33]. Ang hindi pagbabagu-bago ay mahalagang tuntunin sa paglalatag natin ng pundasyon ng dakilang gawain sa sari-sarili nating buhay at sa pagiging mas masigasig at mapagmalasakit sa sarili nating tahanan” (“Mas Masigasig at Mapagmalasakit sa Tahanan,” Liahona, Nob. 2009, 19–20).

Tingnan din sa Henry B. Eyring, “Isang Tahanan Kung Saan Nananahan ang Espiritu ng Panginoon,” Liahona, Mayo 2019, 22–25.

pamilyang magkakasamang nagdarasal

Inuutusan ng Panginoon ang mga magulang na “palakihin ang [kanilang] mga anak sa liwanag at katotohanan.”

Para sa iba pang mga ideya, tingnan ang mga isyu ng mga magasing Liahona at Para sa Lakas ng mga Kabataan sa buwang ito.

Mga Tao, Lugar, Pangyayari

Magklik para makita pa ang iba

icon 01 ng bahaging pambata

Mga Ideya para sa Pagtuturo sa mga Bata

Doktrina at mga Tipan 93:2–21

Si Jesucristo ang Liwanag at Buhay ng Sanlibutan.

  • Isiping magpakita ng isang larawan ng Tagapagligtas at tanungin ang iyong mga anak kung bakit mahalagang matuto tungkol kay at sundin si Jesucristo. Pagkatapos ay maaari ninyong sama-samang basahin ang Doktrina at mga Tipan 93:19 para tuklasin ang isang mahalagang dahilan.

  • Maaari kang pumili ng ilang katotohanan tungkol kay Cristo sa bahagi 93 na nagbibigay-inspirasyon sa iyo at tulungan ang iyong mga anak na matuklasan at maunawaan ang mga ito (tingnan din sa “Kabanata 33: Isang Paghahayag Tungkol kay Jesucristo,” sa Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan, 126–27, o sa kaukulang video sa Gospel Library). Para sa bawat katotohanang pinili mo, maaari mong bigyan ang iyong mga anak ng isang salita o parirala na pakikinggan habang sama-sama ninyong binabasa ang talata. Halimbawa:

    • Si Jesucristo ang gumagawa ng gawain ng Ama (talata 5).

    • Si Jesucristo ang Ilaw ng Sanlibutan (talata 9).

    • Si Jesucristo ang Lumikha ng mundo (talata 10).

    • Si Jesucristo ay tumanggap ng lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa (talata 17).

    • Si Jesucristo ay kasama ng Diyos sa simula (talata 21).

    1:18

    Chapter 33: A Revelation about Jesus Christ: May 1833

ipinintang larawan ni Jesucristo

Detalye mula sa Light of the World [Ilaw ng Sanlibutan], ni Howard Lyon

Doktrina at mga Tipan 93:23, 29, 38

Nabuhay ako sa piling ng Ama sa Langit bago ako pumarito sa lupa.

  • Binigyang-diin ng Tagapagligtas nang tatlong beses sa bahagi 93 na namuhay tayo sa piling ng Diyos “sa simula” (mga talata 23, 29, 38). Para matulungan ang iyong mga anak na tuklasin ito, maaari mo silang anyayahang basahin ang Doktrina at mga Tipan 93:23, 29, 38 at hanapin ang katotohanan tungkol sa kanilang sarili na inuulit sa mga talatang ito. Bakit nais ng Ama sa Langit na malaman natin ang katotohanang ito? Maaari mo ring tanungin ang iyong mga anak kung ano ang alam nila tungkol sa ating buhay sa piling ng Ama sa Langit bago tayo isinilang. Para matulungan silang malaman ang iba pa, basahin sa kanila ang isa o mahigit pa sa sumusunod na mga sipi sa banal na kasulatan: Jeremias 1:5; Doktrina at mga Tipan 138:53–56; Moises 3:5; Abraham 3:22–26.

  • Maaari din ninyong sama-samang kantahin ang “Ako ay Anak ng Diyos” o “Sa Langit Ako’y Nanirahan” (Aklat ng mga Awit Pambata, 2–3; Liahona, Okt. 2010) at talakayin ang mga katotohanang natutuhan natin mula sa mga awiting ito tungkol sa ating layunin sa pagparito sa lupa.

Doktrina at mga Tipan 93:24–39

Tumatanggap ako ng liwanag at katotohanan kapag sinusunod ko ang Diyos.

  • Para matulungan ang iyong mga anak na ipamuhay ang mga katotohanan tungkol sa pagsunod sa Doktrina at mga Tipan 93, isiping sumulat ng ilang reperensya sa banal na kasulatan mula sa bahaging ito sa mga piraso ng papel. Sa iba pang mga piraso ng papel, isulat ang mga katotohanang itinuturo ng bawat isa sa mga talatang ito. Maaaring magtulungan ang iyong mga anak na basahin ang mga talata at itugma ang mga katotohanan sa mga reperensya sa banal na kasulatan. Maaaring kabilang sa mga halimbawa ang:

    • Talata 24: Ang katotohanan ay kaalaman sa mga bagay sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap.

    • Talata 28: Maaari kong matanggap ang liwanag at katotohanan kapag sinusunod ko ang mga kautusan.

    • Talata 37: Kapag mayroon akong liwanag at katotohanan, kaya kong mapaglabanan ang kasamaan.

    • Talata 39: Nawawala sa akin ang liwanag at katotohanan kapag sumusuway ako.

    Maaari kang magbahagi ng mga halimbawa ng mga katotohanang nalaman mo nang sundin mo ang mga utos ng Panginoon.

Iakma ang lesson sa edad ng iyong mga anak. Alam mo ang mga pangangailangan at kakayahan ng iyong mga anak; huwag mag-atubiling i-adjust ang mga ideya sa aktibidad para matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Halimbawa, sa aktibidad na ito, kung nagtuturo ka sa maliliit na bata, mas mabuting magtuon sa isang simpleng katotohanan mula sa bahagi 93.

Para sa iba pang mga ideya, tingnan ang isyu ng magasing Kaibigan sa buwang ito.

ipinintang larawan ni Cristo na nangangaral mula sa Torah

Light and Truth [Liwanag at Katotohanan], ni Simon Dewey

pahina ng aktibidad para sa mga bata