“Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Abr. 2023, 6–7.
Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Para sa home evening, pag-aaral ng mga banal na kasulatan, o para lang sa paglilibang!
Siya’y Nagbangon!
Para sa Pasko ng Pagkabuhay
Kuwento: Si Jesucristo ang ating Tagapagligtas. Dahil Siya ay nabuhay na muli, bawat isa rin sa atin ay mabubuhay na muli (tingnan sa 1 Pedro 1:3–4).
Awitin: “Si Jesus ay Nagbangon” (Aklat ng mga Awit Pambata, 44).
Aktibidad: Gawin ang craft tungkol sa Pasko ng Pagkabuhay sa pahina 14. Puwede rin ninyong simulan ang countdown activity sa pahina 8.
Mga Binhi ng Pananampalataya
Para sa Mateo 15–17; Marcos 7–9
Kuwento: Itinuro ni Jesus na magagawa ng pananampalatayang kasingliit ng munting binhi ng mustasa ang imposible (tingnan sa Mateo 17:20).
Awitin: “Pananalig” (Aklat ng mga Awit Pambata, 50–51)
Aktibidad: Hanapin ang lahat ng binhing mahahanap ninyo sa labas. O maghanap ng mga larawan online. Pag-isipan kung anong uri ng mga halaman ang maaaring kauwian ng mga ito kapag lumaki na ito. Paano ninyo mapapalago ang inyong pananampalataya kay Jesucristo?
Mahalin ang Inyong Komunidad
Kuwento: Sinabi ni Jesus sa atin na alagaan ang ating kapwa (tingnan sa Lucas 10:25–37). Bawat tao sa paligid natin ay ating kapwa, kahit na iba ang kanilang hitsura o kilos kaysa sa atin.
Awitin “Palaging Sasamahan Ka,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 78–79)
Aktibidad: Magdrowing ng isang larawan ng inyong komunidad. Maaari ninyong isama ang inyong pamilya, mga kaibigan, at mga kapitbahay. Araw-araw sa linggong ito, pumili ng isang tao mula sa inyong drowing at gumawa ng kabutihan para sa kanila.
Ang Mabuting Pastol
Para sa Juan 7–10
Kuwento: Inaalagaan ng mga pastol ang kanilang mga tupa at pinananatili silang ligtas. Si Jesucristo ang ating Pastol. Sabi Niya, “Ako ang mabuting pastol. Kilala ko ang [aking mga tupa]” (Juan 10:14).
Awitin: “Aking Nadarama ang Pag-ibig ni Cristo” (Aklat ng mga Awit Pambata, 42–43)
Aktibidad: Maglaro ng hulaan ang tupa! Pumili ng isang taong magiging pastol. Lahat ng iba pa ay magiging mga tupa. Pipikit ang pastol habang magsasabi naman ng meeeh ang isang tupa. Pahulaan sa pastol kung aling “tupa” ang nag-iingay. Pag-usapan kung paano kilala ni Jesus ang bawat isa sa atin sa pangalan.