“Hello mula sa Nigeria!” Kaibigan, Abr. 2023, 18–19.
Hello mula sa Nigeria!
Alamin ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit sa buong mundo.
Ang Nigeria ay isang bansa sa West Africa. Mga 216 milyong tao ang naninirahan doon.
Maraming Kultura
Ang Nigeria ay mas maraming tao kaysa sa iba pang bansa sa Africa. Marami itong iba’t ibang grupo ng mga tao, na may mahigit 500 mga wika!
Napakagandang Wildlife
Ang Nigeria ay may mga disyerto, kapatagan, latian, bundok, at gubat. Bawat lugar ay tahanan ng lahat ng uri ng mga halaman at hayop.
Ang Simbahan sa Nigeria
Noong 1960s, walang mga missionary sa Nigeria. Pero maraming taong gustong magpabinyag. Sama-sama silang sumamba at sumulat sa mga pinuno ng Simbahan. Matiyaga silang naghintay. Sa huli, noong 1978, nabinyagan sila! Ngayon, ang Nigeria ay may mahigit 200,000 miyembro ng Simbahan.
Kanin sa Araw ng Linggo
Maraming pamilyang Nigerian ang kumakain ng jollof rice o puting kanin na may sabaw pagkatapos magsimba. Ito ay isang tradisyon sa araw ng Linggo!
3 Templo
Ang Aba Nigeria Temple ay inilaan noong 2005, at dalawang templo pa ang kasalukuyang itinatayo!