2023
Ibinangon ni Jesus si Lazaro mula sa mga Patay
Abril 2023


“Ibinangon ni Jesus si Lazaro mula sa mga Patay,” Kaibigan, Abr. 2023, 46–47.

Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Ibinangon ni Jesus si Lazaro mula sa mga Patay

Larawan
Si Jesus na nakaupo kasama sina Maria, Marta, at Lazaro

Mga larawang-guhit ni Apryl Stott

Sina Maria at Marta ay may kapatid na nagngangalang Lazaro. Mga kaibigan sila ni Jesucristo.

Larawan
Si Jesus na yakap sina Maria at Marta

Nagkasakit nang malubha si Lazaro. Hindi nagtagal, siya ay namatay. Nalungkot sina Maria at Marta. Nang dumating si Jesus, umiyak Siyang kasabay nila.

Larawan
Si Jesus na nakatayo sa libingan ni Lazaro

Pagkatapos ay sumama si Jesus sa kanila papunta sa libingan ni Lazaro. Sabi niya, “Lazaro, lumabas ka.”

Larawan
Si Jesus na tinutulungan si Lazaro na lumabas ng libingan

Tumayo si Lazaro at naglakad palabas ng libingan. Nabuhay siyang muli! Dahil kay Jesus, lahat tayo ay mabubuhay ring muli!

Print