2023
Mabubuhay Tayong Muli
Abril 2023


“Mabubuhay Tayong Muli,” Kaibigan, Abr. 2023, 20–21.

Mabubuhay Tayong Muli

Ang kuwentong ito ay naganap sa New Zealand.

Larawan
Isang pamilyang naglalakad sa sementeryo

Nagpunta si Carlan at ang kanyang pamilya sa isang sementeryo para malaman ang iba pa tungkol sa kanilang family history.

Larawan
Mag-inang nag-uusap

Inay, saan po napupunta ang mga tao pagkamatay nila?

Nananatili rito ang katawan nila, pero napupunta ang espiritu nila sa daigdig ng mga espiritu.

Larawan
Mag-inang naglalakad sa likod ng iba pang mga kapamilya

Ano po ang ginagawa nila roon?

Natututo at nagtuturo sila tungkol kay Jesus.

Larawan
Mag-inang naglalakad sa sementeryo

Makikita pa po ba natin silang muli?

Oo naman! Nang mamatay si Jesus, muli Siyang nabuhay. Dahil sa Kanya, mabubuhay rin tayong muli. Ang tawag doon ay pagkabuhay na mag-uli.

Larawan
Mag-inang nakatayo sa harap ng isang puntod

Ito ang puntod ng pinsan ko.

Larawan
Batang babaing nagsasalita

Mabubuhay bang muli ang pinsan ninyo?

Larawan
Inang nagsasalita

Oo! Lahat tayo ay mabubuhay na muli. At ang ating pamilya ay maaaring magkasama-sama magpakailanman.

Larawan
Pamilyang naglalakad sa sementeryo

Wow! Sabik na po akong makilala ang pinsan ninyo balang-araw.

Larawan
PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ng Book of Lai

Print