2023
Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa Maliliit na Bata
Abril 2023


“Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa Maliliit na Bata,” Kaibigan, Abr. 2023, 49.

Bagong Tipan

Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa Maliliit na Bata

Larawan
Batang may hawak na hugis-puso na gawa sa playdough

Para sa Pasko ng Pagkabuhay

Ikuwento sa inyong maliliit na anak ang unang Pasko ng Pagkabuhay. Maaari ninyong gamitin ang larawan sa mga pahina 24–25. Hilingin sa inyong mga anak na ituro ang Tagapagligtas. Tulungan silang sabihing, “Ang Pasko ng Pagkabuhay ay tungkol kay Jesucristo!”

Para sa Mateo 15–17; Marcos 7–9

Tulungan ang inyong maliliit na anak na gumawa ng puso gamit ang playdough o clay. Sabihin sa kanila na kapag sinusunod natin si Jesus, mapapalapit ang puso natin sa Kanya.

Para sa Mateo 18; Lucas 10

Sabihin sa inyong maliliit na anak kung paano minamahal ni Jesucristo ang mga bata at na madalas silang tipunin sa paligid Niya (tingnan sa Mateo 18:1–5). Yakapin ang inyong maliliit na anak at kantahin ang “Aking Nadarama ang Pag-ibig ni Cristo” (Aklat ng mga Awit Pambata, 42–43).

Para sa Juan 7–10

Sabihin sa inyong maliliit na anak na tumingin sa salamin. Sabihin sa kanila na alam ni Jesus ang kanilang pangalan, ang kanilang hitsura, kung ano ang nagpapasaya sa kanila, at kung ano ang nagpapalungkot sa kanila. Tulungan ang inyong maliliit na anak na sabihing, “Kilala at mahal ako ni Jesus.”

Print