“Ang Aral sa Allergy,” Kaibigan, Abr. 2023, 32.
Ang Aral sa Allergy
Mula sa isang interbyu ni Sydney Squires.
Noong 10 taong gulang ako, nagkaroon ako ng matitinding allergy. Karaniwa’y naglalaro ako sa labas kapag summer. Hindi noong taon na iyon! Nahirapan akong huminga dahil sa mga allergy ko. Kadalasa’y nasa loob lang ako ng bahay. Lahat ng gusto kong gawin, tulad ng paglalaro ng soccer, ay kinailangan ng dagdag na lakas.
Pagkaraan ng taong iyon, bumalik ang mga allergy ko tuwing summer. Hindi kami nakahanap ng gamot na makakatulong. Pero natuklasan namin na mas nakakahinga ako sa banyo kaysa sa iba pang lugar sa bahay. Kaya mula Mayo hanggang Agosto sa banyo ako natulog. Hindi nagreklamo ang pamilya ko. Hinayaan nila akong matulog doon tuwing summer sa loob ng limang taon.
Sa simula ng bawat summer, binigyan ako ng tatay ko ng priesthood blessing. Taun-taon, binasbasan niya ako na mawala ang mga allergy ko. Ipinagdasal ako ng nanay ko, ng mga kapatid kong babae, at ng kapatid kong lalaki. Pero hindi nawala kaagad ang mga allergy ko sa mga blessing at panalangin.
Maraming aral na itinuro sa akin ang mga allergy ko sa loob ng limang summer na iyon. Natuto akong gumawa ng mahihirap na bagay. Natuto akong magpahinga para magamit ko nang mas matalino ang aking lakas. Natuto akong huwag matakot. Sa huli, nang lumaki na ako, gumaling nga ang mga allergy ko.
Ngayo’y maaari na akong magtrabaho nang matagal, kahit pagod na ang ibang mga tao. Nag-uukol pa rin ako ng oras na magpahinga para magamit ko nang matalino ang aking lakas. At hindi ako natatakot, dahil sumasampalataya ako kay Jesucristo.
Maaaring nakakatawa ito, pero ngayo’y nagpapasalamat ako na nagkaroon ako ng matitinding allergy! Isang pagpapala ang mga iyon dahil sa mga aral na itinuro ng mga iyon.