2023
Pagsunod kay Jesus sa Nigeria
Abril 2023


“Pagsunod kay Jesus sa Nigeria,” Kaibigan, Abr. 2023, 16–17.

Pagsunod kay Jesus sa Nigeria

Kilalanin si Unwana!

Larawan
Batang lalaking nakasuot ng dress shirt at kurbata

Tungkol kay Unwana

Edad: 7

Mula sa: Akwa Ibom, Nigeria

Wika: Ingles

Mga mithiin at pangarap: Maging isang doktor

Pamilya: Unwana, Inay, Itay, Lolo, nakababatang kapatid na babae, at nakababatang kapatid na lalaki

Paano Sinusunod ni Unwana si Jesus

Larawan
Batang lalaking naghuhugas ng mga pinggan gamit ang mga timba ng tubig

Iginalang palagi ni Jesus ang Kanyang ina. Iginagalang din ni Unwana ang kanyang ina. “Tinutulungan ko si Inay sa pamamagitan ng paghuhugas ng mga pinggan. Nagwawalis ako at naglalampaso ng sahig tuwing umaga,” sabi niya. “Lagi akong masaya kapag natatapos ko ang trabaho ko. Alam ko na masaya si Jesucristo dahil sinisikap kong maging katulad Niya.”

Hiniling ni Jesus na matuto tayo tungkol sa Kanya (tingnan sa Mateo 11:29). Natututo si Unwana tungkol kay Jesus sa pamamagitan ng mga awitin at banal na kasulatan. “Nagtatakda ako ng mga mithiing kumanta ng isang awitin sa Primary at matuto mula sa mga banal na kasulatan bawat araw,” sabi niya. Nag-aaral din siyang tumugtog ng organo. Kailangan doon ang maraming praktis, pero sulit iyon!

Mga Paborito ni Unwana

Larawan
Nakabukas na aklat, mga yam, pipe organ, pulang backpack, at patung-patong na mga aklat

Lugar: Ang silid-aralan kung saan siya nagpapraktis ng pagtugtog ng organo

Kuwento sa banal na kasulatan: Nang binyagan si Jesus

Gulay: Mga yam

Kulay: Pula

Subject sa paaralan: English

Larawan
PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Denise Hughes

Print