Kaibigan
Ang Himala ng Panalangin
Abril 2024


“Ang Himala ng Panalangin,” Kaibigan, Abril 2024, 2–3.

Mula sa Unang Panguluhan

Ang Himala ng Panalangin

Hango sa “Ang Magiliw na Kapangyarihan ng Panalangin,” Liahona, Mayo 2003, 7–9; at “Paghahayag para sa Simbahan, Paghahayag para sa Ating Buhay,” Liahona, Mayo 2018, 93–96.

Batang lalaking nagdarasal

Itinuro sa atin [ng Tagapagligtas] kung paano [magdasal]. Nagdarasal tayo sa Ama sa Langit, sa ngalan ni Jesucristo. Tinatapos natin ang pagdarasal sa pagsasabi ng, “sa pangalan ni Jesucristo, Amen.” Kapag naririnig natin ang panalangin ng iba, sinasabi [rin] nating “amen.” Ang ibig sabihin nito ay, “Iyan din ang dalangin ko.”

Ipinakita sa atin ni Propetang Joseph Smith ang halimbawang susundan natin sa pagtatanong. Tuwiran siyang nagtanong sa Ama sa Langit. At nasagot ang kanyang panalangin.

Isipin ang himalang ito! Lahat tayo ay maaaring manalangin sa ating Ama sa Langit at makatanggap ng mga sagot.

Humanap ng tahimik na lugar na mapupuntahan ninyo. Ibuhos ang inyong puso sa inyong Ama sa Langit. Humiling sa Kanya ng mga kasagutan at kapanatagan. Ipagdasal ang inyong mga alalahanin, takot, at inaasam ng inyong puso. At makinig! Isulat ang mga naiisip ninyo.

Habang inuulit ninyo ang prosesong ito, kayo ay lalago at matututong tumanggap ng paghahayag.

Ano ang Ipinagdarasal Ko

Kapag nagdarasal tayo, nakikipag-usap tayo sa Ama sa Langit. Idrowing ang ipinagdarasal mo sa mga kahon sa ibaba. Gustung-gusto ng Ama sa Langit na makarinig mula sa iyo!

  • Mga bagay na ipinagpapasalamat ko:

  • Mga taong ipinagdarasal ko:

  • Mga bagay na kailangan ko ng tulong:

PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Shawna J. C. Tenney