“Magkakasamang Sumusunod kay Jesus,” Kaibigan, Abril 2024, 20–21.
Magkakasamang Sumusunod kay Jesus
Nagpupulong ang mga batang Primary sa Koror, Palau, tuwing Linggo at sama-samang natututo tungkol sa plano ng Ama sa Langit.
Amelia at William T., edad 10 at 7, Virginia, USA
Kezia M., edad 9, Gauteng, South Africa
Armando R., edad 9, Norte Region, Portugal
David T., edad 9, Texas, USA
Mayroon akong autism spectrum disorder. Kumakalma ako sa pagdodrowing ng mga gusaling gustung-gusto ko kapag nababalisa ako o nagagalit.
William P., edad 8, Utah, USA
Tumulong kami ng pamilya ko sa food bank. Naghugas ako ng mga itlog, nagtapon ng mga basag na itlog, at nag-ayos ng frozen meat. Alam ko na tinuturuan tayo ni Jesus na maglingkod sa iba.
Saylor B., edad 9, Oklahoma, USA
Tinutularan ko si Jesus sa pagtulong sa maliit kong kapatid na magbihis tuwing Linggo ng umaga.
Malea R., edad 9, kasama si Estelle R., edad 3, Lucerne, Switzerland
Ang paborito kong bahagi ng pagsisimba ay kapag nagpapatotoo ako dahil pakiramdam ko ay mas napapalapit ako sa Ama sa Langit.
Max S., edad 7, Cautín Province, Chile
Hindi ko makita ang pambura ko para itama ang homework ko. Humingi ako ng tulong sa Ama sa Langit sa panalangin, at hindi nagtagal ay natagpuan ko iyon sa aking English class bag.
Terry X., edad 9, New Taipei City, Taiwan
Nagagalit ako kung minsan. Humihinga ako nang malalim at nagdarasal para gumanda ang pakiramdam ko. Alam ko na ang Espiritu Santo ang magandang pakiramdam na iyon.
Gwen S., edad 7, New York, USA