“Kaya Nating Lutasin Ito,” Kaibigan, Abril 2024, 14–15.
Kaya Nating Lutasin Ito
Ang kuwentong ito ay nangyari sa USA.
Sinira mo ang trak ko!
Aba, ikaw ang nagsimula!
Sinira po ni Grant ang trak ko!
Ninakaw po ni Joey ang football ko!
Parang pareho kayong may problema sa pagpapahiram. Gusto ba ninyong lutasin ko ang problema, o gusto ninyong kayo mismo ang lumutas dito?
Joey, sandali. Naaalala mo ba ang nangyari noong huli na si Itay ang lumutas sa problema natin? Wala tayong magawang masaya buong linggo.
Sige na nga. Subukan nating lutasin ito.
Ayos. Gusto kong magalang ninyong pag-usapan ang mga bagay-bagay at mag-isip kayo ng ilang ideya kung paano kayo mas magkakasundo.
Sori at kinuha ko ang football mo. Gusto ko lang namang tingnan iyon. Dapat nagpaalam muna ako sa iyo.
Hindi ako dapat nagalit. Sori talaga at nasira ko ang trak mo. Alam kong paborito mo iyon.
Nalutas ba ninyo ang problema ninyo?
Palagay ko po.
Magpapaalam na po ako bago kumuha ng anumang bagay.
At ibibili ko po si Joey ng bagong trak. Magiging mas mabait na rin po ako.
Ipinagmamalaki ko kayo pareho sa pagiging mga tagapamayapa.