“Panalangin ni Enos,” Kaibigan, Abril 2024, 26–27.
Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Panalangin ni Enos
Mga larawang-guhit ni Andrew Bosley
Nasa ilang si Enos at naghahanap ng pagkain. Habang naroon, naisip niya ang itinuro sa kanya ng kanyang amang si Jacob tungkol sa buhay na walang hanggan.
Lumuhod si Enos at nagdasal sa Ama sa Langit. Buong maghapon hanggang gabi siyang nagdasal.
Narinig ni Enos ang tinig ng Ama sa Langit. Sinabi Niya kay Enos na napatawad na ang kanyang mga kasalanan. Nadama ni Enos na hindi na siya binabagabag ng kanyang budhi. Itinanong niya kung paano nangyari iyon. Sinabi ng Ama sa Langit na dahil iyon sa pananampalataya niya kay Jesucristo.
Patuloy na nagdasal si Enos. Ipinagdasal niya ang kanyang mga tao. Ipinagdasal pa nga niya ang kanyang mga kaaway. Hiniling niya sa Ama sa Langit na panatilihing ligtas ang mga banal na kasulatan. Sinagot ang kanyang mga dalangin dahil sa kanyang pananampalataya.