“Ang Kuwento Tungkol sa mga Punong Olibo,” Kaibigan, Abril 2024, 24–25.
Alamin ang tungkol sa Aklat ni Mormon
Ang Kuwento Tungkol sa mga Punong Olibo
Nagkuwento ang propetang si Jacob tungkol sa panginoon ng olibohan at sa kanyang mga tagapagsilbi. Inalagaan nila ang mga puno. Pinutol nila ang masamang bunga at nagdagdag sila ng mga bagong sanga para lumaki nang mas matibay ang mga puno. Inalagaan nila ang mga puno para lumaki ang mga iyon.
Habang binabasa mo ang kuwento sa Jacob 5, hanapin ang mga bagay na ito:
Inalagaan ng panginoon ng olibohan ang mga puno dahil mahalaga ang mga iyon sa kanya.
Ang mga puno at mga sanga ay katulad ng mga tao ng Panginoon. Tinulungan ng mga tagapagsilbi ang panginoon na alagaan ang mga iyon.
Ang ibig sabihin ng paghuhugpong ay pagdaragdag ng mga bagong malulusog na sanga para mas patibayin ang mga puno.
Ang ibig sabihin ng pagpupungos ay pagputol sa masamang bunga at mga sanga.
Tulad lang ng paraan ng pag-aalaga ng panginoon sa mga puno sa tulong ng mga tagapagsilbi, inaalagaan tayo ni Jesucristo sa tulong ng mga propeta at pinuno.
Hamon sa Banal na Kasulatan
Maaari Kong Basahin ang Aklat ni Mormon!
Pagkatapos mong magbasa, kulayan ang bahagi ng larawan. Maaari mong basahin ang mga talatang ito na nauugnay sa babasahin sa bawat linggo mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin.
-
Linggo 1: Jacob 3:1
-
Linggo 2: Jacob 6:11
-
Linggo 3: Omni 1:26
-
Linggo 4: Mosias 2:22