Kaibigan
Mga Bote ng Pagmamahal
Abril 2024


“Mga Bote ng Pagmamahal,” Kaibigan, Abril 2024, 40–41.

Isinulat Mo

Mga Bote ng Pagmamahal

Batang babaeng nakatayo sa tabi ng mga boteng plastik

Tumulong ako sa isang proyekto sa paaralan sa paggawa ng “mga bote ng pagmamahal,” mga boteng plastik na puno ng mga plastik na minsan lang ginamit. Ito ay mga item na ginamit nang minsan at itinapon, gaya ng mga plastic bag. Bawat pamilya ay gumawa ng mga bote ng pagmamahal at dinala ang mga iyon sa paaralan. Ipinadala ang mga bote sa isang organisasyon na ginawa namang mga plastic brick ang mga iyon. Magagamit ang mga brick sa pagbuo ng mga upuan sa labas at pagtatayo ng mga bahay para sa mga taong nangangailangan.

Natanto ko na gumagamit ng maraming plastik ang pamilya namin araw-araw, na talagang problema sa kapaligaran. Gusto kong simulang pangalagaan ang kapaligiran. Pero hindi ko iyon kayang gawing mag-isa. Kaya nagpasiya akong patulungin din ang mga tao sa simbahan. Kinausap ko ang aking mga lider at ang bishop ng ward. Sinabi niya na banggitin ko ang proyektong ito sa isang miting. Maraming taong sumali sa proyekto. Pagkaraan ng ilang buwan, nakakolekta kami ng mahigit 100 bote ng pagmamahal!

Boteng plastik na puno ng basurang plastik

Patuloy ang proyekto hanggang ngayon. Kapag nakakakolekta ako ng maraming bote, sumasama ako sa aking pamilya at mga kaibigan sa Primary papunta sa drop-off area. Iniiwan namin doon ang mga bote para magawang mga materyal sa pagtatayo ng gusali.

Gusto ko ang proyektong ito. Ipinadarama nito sa akin na talagang maaari akong makatulong sa mundong ito na nilikha ng Diyos para sa atin. Tinutulungan ako nitong pahalagahan at igalang ang kalikasan at mga hayop. Ang pag-aalaga sa kalikasan ay isang paraan na maaari kong sundin ang Tagapagligtas. Gusto ko rin na isang paraan ito ng pagtulong sa iba.

Batang babaeng may hawak na mga boteng plastik

Kung minsa’y hindi madaling mag-ukol ng oras sa paggawa ng mga bote ng pagmamahal. Pero pakiramdam ko maaari tayong magbago at maaari nating piliing gumawa ng maliliit at mabubuting gawa sa araw-araw. Nalaman ko rin na para makagawa ng isang bagay na “malaki” kailangan natin ang tulong ng iba. Maaari nating maapektuhan ang iba at matutulungan natin silang sumali sa pagbabago. Naniniwala ako na mahalagang bahagi ito ng ebanghelyo ni Jesucristo: magbago, tumulong sa iba, at gumawa nang mabuti sa mundo.

PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Simini Blocker