“5 Paraan para Maging Isang Tagapamayapa,” Kaibigan, Abril 2024, 42.
Kumuha ng 5
5 Paraan para Maging Isang Tagapamayapa
Kapag naiisip mo ang isang tagapamayapa, ano ang nakikita mo? Nakikita mo ba ang sarili mo? Dapat! Hinilingan tayo ni Jesucristo na maging mga tagapamayapa (tingnan sa Mateo 5:9). Hindi mo kailangang makipaglaban sa mga hukbo o maging pinuno sa mundo para gawin iyan. Narito ang limang paraan na maaari kang maging isang tagapamayapa rito, ngayon mismo.
-
Makinig kahit hindi ka sang-ayon. Kapag nakikipagtalo ka sa iba, tumahimik at makinig. Kapag naiiba sa iyo ang ideya ng isang tao, tumahimik at makinig.
-
Sikaping unawain ang damdamin ng iba. Kapag mas inunawa mo ang iba, mas madali silang pakitunguhan nang may kabaitan at magkaroon ng payapang relasyon sa kanila.
-
Magpraktis ng paglutas ng problema. Maraming tao ang nakatuon sa mga problema. Ang mga tagapamayapa ay nakatuon din sa mga solusyon. Kapag mas nagsasanay kang mag-isip ng mga solusyon, magiging mas mahusay ka sa paglutas ng problema.
-
Piliing magpasensya. Pag-isipan ang huling pagkakataon na nawalan ka ng pasensya. Naging payapa ba ang damdamin mo? Hindi siguro. Kapag nadarama mo ang mga kawalan ng pasensyang iyon, huminga nang malalim. Kapag mapagpasensya ka sa iyong sarili at sa iba, makadarama ka ng higit na kapayapaan.
-
Alalahanin si Jesucristo. “Manalangin na magkaroon ng tapang at karunungan na sabihin o gawin ang Kanyang sasabihin o gagawin,” pagtuturo ni Pangulong Nelson. “Kapag sinusunod natin ang Prinsipe ng Kapayapaan, tayo ay magiging mga tagapamayapa Niya.”*