2022
Kumonekta
Setyembre 2022


“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Set. 2022.

Kumonekta

Lindsey B.

15, Kentucky, USA

Larawan
dalagita

Larawang kuha ni Christina Smith

Ako’y 15 taong gulang, at sophomore sa high school. Naglalaro ako ng tatlong isports: basketball, volleyball, at softball. Halos buong buhay ko ay isports at pamilya.

Sa panahon ng COVID, dahil hindi nakatitiyak sa school year, kinailangan kong magtiwala na alam ng Panginoon kung ano ang pinakamabuti para sa lahat. Naibalik naman ang mga klase ko sa campus, na pinakamabuti para sa akin, dahil hindi ako mahusay sa virtual na pag-aaral.

Sa paaralan ko, may tatlo lamang na mga miyembro ng Simbahan. Medyo mahirap na hindi ko man lang sila kaklase o kapareho ng grade. Pero kahit karamihan sa mga kaibigan ko ay hindi mga Banal sa mga Huling Araw, nakakahanap ako ng iba na may mabubuting pamantayan. Tinutulungan ako nitong makasama ang mga taong hindi ako iniimpluwensiyahang gumawa ng masama.

Para “Pakinggan Siya,” gusto kong gumugol ng oras para mapag-isa at manalangin at hanapin ang mga banal na kasulatang nauugnay sa aking mga problema. Ang paggawa nito ay tumutulong sa akin na malaman kung ano ang nais ng Panginoon na gawin ko sa isang sitwasyon at pag-isipan kung paano Siya tutugon.

Print