2022
Matuto ng tungkol kay Jesucristo at Kamtin ang Kanyang Kapangyarihan
Setyembre 2022


“Matuto ng tungkol kay Jesucristo at Kamtin ang Kanyang Kapangyarihan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Set. 2022.

Panghuling Salita

Matuto ng tungkol kay Jesucristo at Kamtin ang Kanyang Kapangyarihan

Gusto kong ibahagi ang tungkol sa kung paano tayo makakahugot ng lakas sa ating Panginoon at Maestro na si Jesucristo sa ating buhay.

Magsisimula tayo sa pag-aaral tungkol sa Kanya.1 “Hindi maaari para sa [atin] na maligtas dahil sa kamangmangan” [Doktrina at mga Tipan 131:6]. Kapag mas nauunawaan natin ang doktrina ng Tagapagligtas at ang ginawa Niya para sa atin, mas nalalaman natin na maibibigay Niya ang lakas na kailangan natin sa ating buhay.

Bilang mga Banal sa mga Huling Araw, tinatawag natin ang Kanyang misyon bilang Pagbabayad-sala ni Jesucristo, na dahilan kaya naging totoo ang pagkabuhay na mag-uli para sa lahat at naging posible ang buhay na walang hanggan para sa mga nagsisisi sa kanilang mga kasalanan at tumatanggap at tumutupad ng mga kinakailangang ordenansa at tipan.

Sa dakilang plano ng ating Ama sa Langit, ang Tagapagligtas ang nagdusa. Ang Tagapagligtas ang nagkalag ng mga gapos ng kamatayan. Ang Tagapagligtas ang nagbayad sa ating mga kasalanan at paglabag at bumubura sa mga ito sa kondisyon na magsisisi tayo. Ang Tagapagligtas ang nagpapalaya sa atin sa pisikal at espirituwal na kamatayan.

Ang mga sagradong salitang tulad ng Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ay naglalarawan sa ginawa ng Tagapagligtas, alinsunod sa plano ng Ama, upang mabuhay tayo nang may pag-asa sa buhay na ito at magtamo ng buhay na walang-hanggan sa daigdig na darating.

Print