2022
May limitasyon ba kung gaano kadalas ako makapagsisisi?
Setyembre 2022


“May limitasyon ba kung gaano kadalas ako makapagsisisi?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Set. 2022.

Tuwirang Sagot

May limitasyon ba kung gaano kadalas ako makapagsisisi?

mga binatilyong tumatanggap ng sakramento

Kapag talagang gusto ninyong magsisi, maaaring nakakadismaya kung muli kayong nagkamali. Ngunit dahil sa walang-hanggang Pagbabayad-sala ni Jesucristo, ang awa at biyaya ng Diyos ay walang katapusan, at maaari ka pa ring magsisi at maging karapat-dapat. Tandaan na “ang pagsisisi ay hindi ginagawa nang isang beses lang, ito ay isang proseso” at “kapag pinili nating magsisi, … pinipili nating … [tumanggap] ng kagalakan.”1

Maaari kang magsisi palagi, kahit na nagawa mo ulit ang katulad na pagkakamali. Sinabi ng Panginoon, “Kasindalas na magsisisi ang aking mga tao ay akin silang patatawarin sa kanilang mga pagkakasala laban sa akin” (Mosias 26:30). Maging isa sa “Kanyang mga tao,” at bumalik sa Panginoon tuwing nalilihis ka. Kausapin mo rin ang iyong mga magulang at bishop. Mapapalakas ka ng kanilang tulong at suporta.

Kung nahihirapan kang daigin ang isang kasalanan, huwag sumuko. Maaaring naisin ni Satanas na maniwala ka na wala ka nang pag-asa o naibigay na sa iyo ang lahat ng pagkakataon na maaaring magkaroon ka. Pero hindi iyan totoo. Patuloy na magsikap. Laging malugod na tinatanggap ng Panginoon ang taos-pusong pagsisisi.