“Ang Matapat na Marka,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Set. 2022.
Mga Saligang Kaytibay
Mga kabataang Banal sa mga Huling Araw, na isinasalig ang kanilang buhay sa Bato ni Jesucristo (tingnan sa Helaman 5:12).
Ang Matapat na Marka
Sa paaralan, nais ng chemistry teacher ko na hikayatin ang katapatan sa kanyang klase. Sinabi niya sa amin na kami ang magtsetsek ng sarili naming mga pagsusulit at magrereport ng sarili naming iskor. Nang tsinekan ko ang mga sagot ko, natukso akong magdagdag ng isang puntos sa iskor ko. Kailangan ko lang ng isa pang puntos para makapasa sa pagsusulit. Naupo ako roon nang ilang sandali, iniisip kung ano ang gagawin.
Habang nakaupo ako roon na nag-iisip, bigla kong naalala ang isang sipi mula kay Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008) na inilagay ko sa likod ng aking identification card: “Lubhang mapaminsala ang kaunting kasinungalingan. … Maaaring makayanan ng isang institusyon ang pagkawala ng pera, ngunit hindi maaaring mawalan ang isang indibiduwal ng paggalang sa sarili” (“I Believe,” Ensign, Ago. 1992, 5). Sa ilalim ng siping iyon ay may katagang: “Kung kasama ko si Cristo, gagawin ba’y ganito?”
Nakadama ako ng kapayapaan at kaligayahan nang malaman ko ang dapat kong gawin. Hindi ko binago ang bagsak na iskor ko, pero alam ko na nakapasa ako sa mas mahalagang pagsubok—ang pagsubok sa katapatan—at ipinagmamalaki ko ang pagpiling ginawa ko.
Natalie A., Philippines