2022
Masayang mag-sacrament sa bahay. Bakit pa ninanais ng Panginoon na bumalik tayo sa simbahan?
Setyembre 2022


“Masayang mag-sacrament sa bahay. Bakit pa ninanais ng Panginoon na bumalik tayo sa simbahan?,“ Para sa Lakas ng mga Kabataan, Set. 2022.

Mga Tanong at mga Sagot

“Masayang mag-sacrament sa bahay. Bakit pa ninanais ng Panginoon na bumalik tayo sa simbahan?”

Upang Magkaisa

“Nais ng Panginoon na bumalik tayo sa simbahan dahil nais Niyang mas mapalapit tayo sa Kanya. Nais din Niyang magkaisa tayo bilang magkakapatid. Sa pagsisimba, nagkakaisa tayo, nagtutulungan, at ipinapakita sa Kanya ang ating pasasalamat sa lahat ng ginawa Niya para sa atin. Napalalalim din natin ang ating pananampalataya at natututo tayo ng mga bagong turo.”

Melanie M., 13, Mexico

Lakas Kapag Kasama ang Iba

binatilyo

“Napakaganda ng sakramento sa tahanan dahil dinala nito ang Espiritu sa ating mga tahanan at tinulungan tayong maunawaan na dapat nating dalhin ang simbahan sa ating mga tahanan sa halip na magtuon lamang dito minsan sa isang linggo. Gayunman, kung minsan ang pagsisimba sa tahanan ay maaaring magpadama sa iyo na nag-iisa ka. Mahalaga ang pagsisimba sa simbahan dahil lumilikha ito ng lakas kapag kasama natin ang iba.”

Nathan G., 15, Arizona, USA

Pagbuo ng Mabubuting Pagsasamahan

dalagita

“Sa simbahan ay may mapagmahal na paligid. Doon ay makabubuo kayo ng mga ugnayan at mapagpapala ang buhay ng iba habang sabay-sabay kayong pinagpapala. Mahalaga rin ang Simbahan sa pagpapatatag ng inyong kaalaman tungkol sa ebanghelyo. Nais ng Panginoon na ipangaral natin ang ebanghelyo sa mga nakapaligid sa atin at itayo ang Sion.”

Amelia W., 16, Utah, USA

Naroon para sa Isa’t Isa

dalagita

“Nang magsimula ang pandemya, nag-alala ako na baka hindi kami makatanggap ng sakramento, pero pinayagan kami ng bishop na gawin ito sa bahay! Nagtataka ang ilang tao kung bakit dapat tayong bumalik sa simbahan, pero sa palagay ko, kailangan nating bumalik para maliwanagan ang iba—para makausap o matulungan ang isang tao. Kailangan tayong magsimba para ibigay ang ating pagmamahal at ibahagi ang ating mga karanasan.”

Tamara M., 17, Mexico

Magpanibago ng mga Tipan

binatilyo

“Nais ng Diyos na bumalik tayo sa simbahan dahil hindi lahat ay nakatanggap ng sakramento sa kanilang mga tahanan. Sinabi sa akin ng lolo ko na, bilang mayhawak ng priesthood, dapat kong tiyakin na lahat ay may ganitong pagkakataon. Mahalagang magsimba tayo para mapanibago nating lahat ang ating mga tipan.”

Esteban M., 16, Argentina