2022
Ang Problema sa Paglipat
Setyembre 2022


“Ang Problema sa Paglipat,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Setyembre 2022.

Mga Saligang Kaytibay

Mga kabataang Banal sa mga Huling Araw, na isinasalig ang kanilang buhay sa Bato ni Jesucristo (tingnan sa Helaman 5:12).

Ang Problema sa Paglipat

Madalas lumipat ang pamilya ko noong lumalaki ako. Mahirap mag-adjust sa mga bagong lugar, ngunit sa unang taon ko sa hayskul, gustung-gusto ko kung saan kami tumira. Pero nagbago ang lahat nang pumanaw ang lolo ko at nagpasiya ang mga magulang ko na lumipat sa lugar na mas malapit sa lola ko. Hindi ko talaga gusto na lumipat ulit. Nagsikap akong makibahagi sa paaralan at makipagkaibigan.

Nagdamdam ako at nakipagtalo sa mga magulang ko tungkol sa paglipat. Hinikayat ako ng mga magulang ko na ipagdasal ito. Sinubukan ko pero wala akong natanggap na anumang sagot. Sa kabila ng pagkabigo ko, nagpasiya akong magdasal nang isa pang beses. Bago ako makapagsimula, may narinig akong malinaw na tinig sa aking isipan na nagsasabing, “Rachel, hindi ka nakakakuha ng sagot dahil ayaw mo.” Natigilan ako. Makalipas ang ilang sandali, sinimulan kong baguhin ang pagdarasal ko. Ibinuhos ko ang aking puso sa Ama sa Langit at itinanong kung ano ang gusto Niyang ipagawa sa akin.

Ang damdaming natanggap ko ay kailangang lumipat ang pamilya ko. Matapos magpakumbaba at tanggapin ang nais ng Ama sa Langit, nakadama ako ng kapayapaan. Hindi ito palaging madali, pero alam ko na naroon kami kung saan kami kailangan ng Panginoon. Ang karanasang ito ay nakatulong sa akin na mas mapalapit sa aking Tagapagligtas at mas maging katulad ng taong kailangan Niyang maging ako.

Rachel H., Washington, USA

Print