“Masayang Bahagi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Set. 2022.
Masayang Bahagi
Ibahagi ang Iyong mga Outdoor Game
Ano ang ilan sa mga paborito mong nilalaro sa labas kasama ang mga kaibigan o kapamilya mo? Touch rugby? Sly fox? Tagu-taguan? Agawang beys? Iilan lang ang larong iyon sa iba’t ibang panig ng mundo, ngunit alam namin na marami pa kayong maibabahagi sa amin.
Mangyaring ipadala ang paglalarawan ng iyong paboritong outdoor game (na may larawan, kung maaari) sa ftsoy@ChurchofJesusChrist.org hanggang Oktubre 1, 2022. Kokolektahin at ibabahagi namin ang ilan sa mga paboritong ideya para matuto pa tayong lahat ng ilang bagong laro.
Masasayang Paraan ng Pagbabasa ng mga Banal na Kasulatan
Para magawa ang bagay-bagay sa bagong paraan, maaari mong subukan ang isa sa mga mungkahing ito sa pagbabasa ng mga banal na kasulatan.
-
Mag-isip ng isa o dalawang taong kakilala mo na nahihirapan at magbasa ng mga banal na kasulatan na may kaugnayan sa kanilang mga pangangailangan.
-
Gumawa ng isang dula o gawin ang dramatikong pagbabasa ng paborito mong kuwento mula sa banal na kasulatan.
-
Kasama ang mga kapamilya o mga kaibigan, magsalitan sa pagrerekord ng inyong sarili na nagbabasa ng mga banal na kasulatan. Pagkatapos ay ipadala ang mga recording na iyon sa ibang taong hindi mo madalas makita, tulad ng isang missionary.
-
Gumawa ng mga puppet na gawa sa medyas at magtanghal ng puppet show na tungkol sa isang kabanata o kuwento mula sa mga banal na kasulatan.
-
Sama-samang basahin ang mga ito sa isang video call o tawag sa telepono kasama ang isang tao.
-
Kung nag-aaral ka ng ibang wika, subukang basahin ang mga banal na kasulatan sa wikang iyon at pagkatapos ay isalin itong muli sa wika ninyo.
-
Panoorin ang mga video ng banal na kasulatan mula sa Gospel Library (sa ilalim ng Mga Video at Larawan). Pagkatapos ay basahin ang mga scripture passage o kabanata na tumutugma sa mga video.
Hemisphere Maze
Ang mga dahon ay bumabagsak sa hilagang hemisphere habang namumukadkad ang mga bulaklak sa katimugan. Maghanap ng isang landas mula sa pulang dahon sa itaas papunta sa dilaw na dahon sa ibaba. Maaari kang tumalon sa kaliwa, kanan, pataas, o pababa (hindi palihis) sa pagitan ng mga simbolo na pareho ang hugis o kulay. Dalawang halimbawa ng paggalaw ang ipinapakita. May ilang paraan para makumpleto ang maze.