Para sa Lakas ng mga Kabataan
Disipulo sa Disipulo
Pebrero 2024


“Disipulo sa Disipulo,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2024.

Tema ng mga Kabataan para sa 2024

Disipulo sa Disipulo

Ang pagiging disipulo ni Cristo ay hindi kasingkumplikado ng inaakala ninyo.

Tingnan ang halimbawang ito na ibinahagi ng isang binatilyo tungkol sa isang disipulo ni Cristo sa kanyang buhay.

mga binatilyo

Jack (kaliwa) at Braiden (kanan)

Braiden K., edad 12

Mula sa Northern Territory, Australia. Mahilig maglaro ng rugby at umiwas sa mga buwaya.

Ilang taon na ang nakalipas, madalas magmura ang kaibigan kong si Jack. Alam ko na hindi iyon gusto ni Jesus at ng Diyos. Tinanong ko siya kung puwede siyang tumigil sa pagmumura kapag naroon ako, at nagkaroon siya ng sapat na paggalang para itigil iyon. Matalik na kaming magkaibigan ngayon.

Tuwing maririnig niya ngayon na may nagmumura kapag naroon ako, humihingi siya ng paumanhin sa akin at pinatitigil niya ito. Palagay ko nakakatuwa iyon. Nakapagsimba na siya nang ilang beses at nakapagdasal pa. Humingi ako ng Aklat ni Mormon sa mga missionary at ibinigay ko iyon sa kanya.

Palagay ko magandang magkaroon ng isang taong kaedad ko na naninindigan sa tama. Lalo na kung kakilala ko.

Alam ko na si Jesus ay buhay. Siya ang Alpha at Omega (tulad ng sasabihin ng Griyegong kaibigan ng tatay ko), ang una at ang huli. Siya ang aking Tagapagligtas at aking Manunubos. Namatay Siya para sa akin upang muli akong mabuhay. Dahil sa Kanya, alam ko na posible akong makapasok sa kahariang selestiyal. Alam ko na mahal Niya ako.