“Kailangan ng mga Tagapamaya,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2024.
Mga Salitang Ipamumuhay
Kailangan ng mga Tagapamayapa
Hango sa isang mensahe sa pangkalahatang kumperensya ng Abril 2023.
Sa mga sitwasyong matindi ang kaguluhan at puno ng pagtatalo, inaanyayahan ko kayong alalahanin si Jesucristo. Manalangin na magkaroon ng tapang at karunungan na sabihin o gawin ang Kanyang sasabihin o gagawin. Kapag sinusunod natin ang Prinsipe ng Kapayapaan, tayo ay magiging mga tagapamayapa Niya.
Isang Dosis ng Pag-ibig sa Kapwa-tao
Pag-ibig sa kapwa-tao ang lunas sa pagtatalo. Inilalarawan nito ang isang tagapamayapa.
Kaya paano tayo matutulungan ng Diyos na magkaroon ng pag-ibig sa kapwa-tao?
-
Pagpapakumbaba sa harap ng Diyos
-
+
-
Pagdarasal nang buong lakas ng iyong puso
-
=
-
Bibigyan tayo ng Diyos ng pag-ibig sa kapwa-tao.
Itanong sa Iyong Sarili:
Paano ka ba magsalita sa iba at tungkol sa iba …
-
Sa tahanan?
-
Sa simbahan?
-
Sa trabaho?
-
Online?
Mahalaga talaga kung paano natin tratuhin ang isa’t isa! Nagsasabi ka ba ng mga bagay na “marangal, kaaya-aya, o magandang balita o maipagkakapuri” (Mga Saligan ng Pananampalataya 1:13)?
Mga Pagpiling Gagawin
Pinipili nating makipagtalo. Pinipili nating maging tagapamayapa. Piliing maging tagapamayapa, ngayon at sa tuwina!
-
Nanghuhusga ka ba sa iba?
-
Magpakita ng pagmamahal na tulad ni Cristo sa pamamagitan ng iyong mga salita at kilos.
-
Sumasagot ka ba nang pagalit online?
-
Lumikha ng relasyong may pagkakaunawaan.
May Kakilala Ka ba na Kailangang Makarinig Nito?
Ayos. Pero huwag mong kalimutan na magandang payo rin ito para sa iyo! Suriing mabuti ang iyong puso para makita mo kung may mga bakas ng kayabangan o inggit na humahadlang sa iyo na maging tagapamayapa.