“Napapalibutan ng Pagmamahal,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2024.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Napapalibutan ng Pagmamahal
Walang katulad ang pagmamahal ng ating Tagapagligtas para sa bawat isa sa atin.
Nadama mo na ba na parang walang lubos na nakakaunawa sa iyo? Marahil ay nadarama mo na kakaiba ang mga hamon mo sa buhay—lubhang kakaiba, sa totoo lang, na kahit nakakaugnay sa iyo ang iba sa ilang paraan, walang tunay at lubos na nakakaunawa sa pinagdaraanan mo. Pero kayang gawin iyon ng Tagapagligtas.
Mahal na mahal ka ng Tagapagligtas na si Jesucristo kaya isinagawa Niya ang Kanyang Pagbabayad-sala para tulungan kang malampasan ang mga pinagdaraanan mo sa mga paraang hindi kayang gawin ng iba. Ngayon ay nasa iyo na kung hihingi ka ng tulong sa Kanya, magtitiwala ka sa Kanya, aasa ka sa Kanya, madarama mo ang Kanyang pagmamahal, magsisisi, gagawa at tutupad ka ng mga tipan, at mananatili kang tapat hanggang wakas.
Nakaunat ang mga bisig ni Jesucristo para palibutan ka ng pagmamahal. Iyan ang natutuhan ni Lehi, at iyan ang nais niyang ituro sa kanyang mga anak (tingnan sa 2 Nephi 1). Isang mahalagang aral din ito na matututuhan natin!