Para sa Lakas ng mga Kabataan
Matutong Maghalintulad
Pebrero 2024


“Matutong Maghalintulad,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2024.

Mga Pangunahing Aral ng Ebanghelyo

Matutong Maghalintulad

Tingnan kung paano mo maituturo ang pamamaraang ito para mas mailapit ang mga banal na kasulatan sa iyong buhay.

binatilyong may aklat na harap ng kanyang mukha

Larawang-guhit ni Gail Armstrong

Ano ang ibig sabihin ng “ihalintulad” ang isang bagay? Itinuro ni Nephi na bukod pa sa pagbabasa ng mga banal na kasulatan sa kanyang mga tao, “[inihalintulad] ko sa amin ang lahat ng banal na kasulatan, upang ito ay maging para sa aming kapakinabangan at kaalaman” (1 Nephi 19:23).

Naroon ang salitang iyon: ihalintulad. Sinaunang pamamaraan ba iyan ng pagtuturo na nawala sa paglipas ng panahon at imposibleng maunawaan natin ngayon?

Hindi. Ang kahulugan ng “ihalintulad” ang isang bagay ay ikumpara at pag-isipan kung paano ito nauugnay sa sarili mong buhay. At mainam pa ring magtaglay ng ganyang kasanayan. Narito ang ilang ideyang magagamit mo para maituro sa iyong pamilya at mga kaibigan ang alituntuning ito.

Oras para Magturo

  • aklat at magnifying glass

    Ipaliwanag ang kahulugan ng salita. Maaari mong ipaliwanag sa sarili mong mga salita ang kahulugan ng ihalintulad, o ituro mo na lang na ang kahulugan nito ay ikumpara ang mga banal na kasulatan sa sarili mong buhay.

  • bombilya

    Magbigay ng halimbawa. Mag-isip ng isang kuwento sa banal na kasulatan na ikinasisiya mo. Ngayo’y sabihin kung paano nauugnay sa iyo ang kuwentong ito ngayon. Halimbawa, tulad ng mababasa mo sa buwang ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, nagkaroon ng malalaking problema si Nephi sa mga kapatid niyang sina Laman at Lemuel. Paano niya hinarap iyon? Ano ang matututuhan mo mula sa kanya tungkol sa ilan sa mahihirap na relasyon sa iyong buhay?

  • scale

    Sama-samang magpraktis. Sabihin sa iba na magbanggit ng ilan sa paborito nilang mga talata o kuwento sa banal na kasulatan. Pagkatapos, bilang isang grupo, isipin kung paano maaaring umangkop ang mga talatang iyon sa inyong buhay ngayon.

mga kabataan sa isang klase

Larawang-guhit ni Katy Dockrill

Kapag natuto kang maghalintulad, matatanto mo na ang mga banal na kasulatan ay may kamangha-manghang mga aral para sa buhay mo ngayon mismo—tulad ng ginawa nito sa buhay ni Nephi!