Para sa Lakas ng mga Kabataan
Ano ang huwad na pagkasaserdote? Isang bagay ba ito na dapat kong ipag-alala?
Pebrero 2024


“Ano ang huwad na pagkasaserdote? Isang bagay ba ito na dapat kong ipag-alala?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2024.

Tuwirang Sagot

Ano ang huwad na pagkasaserdote? Isang bagay ba ito na dapat kong ipag-alala?

Fariseo

Detalye ng Fariseo mula sa Mga Talinghaga, ni James C. Christensen

Sinabi sa atin ni Nephi na inuutusan tayo ng Panginoon na iwasan ang “mga huwad na pagkasaserdote,” at pagkatapos ay ipinaliwanag niya ito:

“Ang huwad na pagkasaserdote ay upang mangaral ang mga tao at itayo ang kanilang sarili bilang tanglaw ng sanlibutan, upang makakuha sila ng yaman at papuri ng sanlibutan; subalit hindi nila hinahangad ang kapakanan ng Sion” (2 Nephi 26:29).

Binigyan tayo ni Nephi ng limang pangunahing katangian ng huwad na pagkasaserdote. Ito ay na ang mga tao ay:

Nangangaral. Sinasabi nila sa mga tao kung ano ang paniniwalaan at kung paano mamuhay.

Itinatakda ang kanilang sarili bilang tanglaw ng sanlibutan. Sinasabi nila sa mga tao na umasa sa kanila (hindi kay Jesucristo) para sa mga turo at halimbawang susundan nila.

Gustong makinabang. Nangangaral sila para magkapera.

Gustong mapuri ng mundo. Nangangaral sila upang sabihin sa kanila ng mga tao kung gaano sila kagaling sa halip na gawin iyon para bigyang-kasiyahan ang Diyos.

Hindi hinahangad ang kapakanan ng Sion. Ayaw nilang umunlad ang kaharian ng Diyos sa lupa (na tinatawag ding Sion o ang Simbahan ni Jesucristo). Sa katunayan, malamang na kabaligtaran lang nito ang gusto nila.

Nag-aantabay sa mga taong gumagawa ng mga bagay na ito. Sundin ang Panginoon at ang Kanyang mga propeta. Tutulungan ka ng Espiritu Santo.