Para sa Lakas ng mga Kabataan
Kumonekta
Pebrero 2024


“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2024.

Kumonekta

Angel A.

16, Alberta, Canada

Larawan
dalagita

Larawang kuha ni Amanda Steed

Nakatira ako sa Canada (plot twist: hindi kami talaga nakatira sa mga igloo o sumasakay sa aming moose papasok sa paaralan). Ang pagiging miyembro dito ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay naghatid sa akin ng malaking kagalakan. Pero may mga araw din na may kalungkutan at oposisyon. Lumaki ako sa isang lugar kung saan wala akong malapit na mga kamag-anak, pero ibinigay sa akin ng Ama sa Langit ang aking ward family at tinulungan akong magkaroon ng mga walang-hanggang kaibigan sa mga kabataan sa aking stake. Saanman kayo naroon, may pamilya kayo kapag nasa inyo ang ebanghelyo.

Miserable ang buhay ko noong papalapit na ang appointment ko para sa patriarchal blessing. Ipinaisip sa akin ng kaaway na hindi ako karapat-dapat na matanggap ang aking blessing. Pagkatapos ay narinig ko ang pinakamarahan at banayad na tinig na nagpahiwatig sa akin na tawagan ang mga sister missionary. Nang dumating ang mga sister, nadama ko ang pagmamahal sa akin ng Tagapagligtas nang napakatindi at napakalinaw.

Bagama’t hindi tayo maaaring pisikal na makalapit sa ating Tagapagligtas, napakahalaga para sa atin na palaging mas mapalapit sa Kanya. Ang aking patriarchal blessing ay nagpapalakas sa akin at nagpapaalala na ako ay banal na anak ng Diyos.

Print