Para sa Lakas ng mga Kabataan
Kumonekta
Abril 2024


“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Abr. 2024.

Kumonekta

Bengy R.

13, Providenciales, Turks and Caicos

Larawan
binatilyo at ina na naghuhugas ng mga pinggan

Larawang kuha ni Christina Smith

Nakatira ako sa isang isla. Gusto ko ang katotohanan na maraming isda at batotoy (suso sa dagat) rito. Gustung-gusto kong magpunta sa beach kapag mainit ang araw—masaya kasi! Gustung-gusto kong kumain nang marami sa aming taunang pista ng pritong isda.

Kadalasa’y nagsasalita ako ng Ingles at Haitian Creole, at nag-aaral ako ng French at Spanish sa paaralan. Mahilig akong maglaro, manood ng anime, at lumangoy.

Gusto kong ibahagi ang ebanghelyo sa pagsama sa mga missionary sa pagtuturo nila ng mga lesson, pagbisita sa mga miyembro ng Simbahan kasama ng mga lider ng aming branch, at paghikayat sa mga kaibigan ko na magsimba. Minsa’y sumama kami ng kapatid ko sa mga pagbisita ng branch president, at narinig naming may sumisigaw.

Tumakbo kami para alamin kung ano ang nangyayari at nakita namin ang manugang ng isang miyembro na hinimatay at nasaktan. Tumawag kami ng ambulansya, at binigyan siya ng branch president ng priesthood blessing. Itinuro sa akin niyan na kahit hindi natin palaging alam kung kailan mangyayari ang mahihirap na bagay, maaari tayong manatiling tapat palagi.

Print