Para sa Lakas ng mga Kabataan
Ano ang “likas na tao”?
Abril 2024


“Ano ang ‘likas na tao’?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Abr. 2024.

Tuwirang Sagot

Ano ang “likas na tao”?

mga mukha

Sa Aklat ni Mormon, itinuro ni Haring Benjamin, “Ang likas na tao ay kaaway ng Diyos” (Mosias 3:19). Ang katagang likas na tao ay naglalarawan sa “isang tao na pumapayag na mahikayat ng mga silakbo ng damdamin, pagnanasa, gana, at damdamin ng laman kaysa mahikayat ng Banal na Espiritu” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Likas na Tao,” Gospel Library).

Dahil sa Pagkahulog nina Adan at Eva, isinilang tayo sa mundong ito na may katawan na mayroong mga pangangailangan at naisin. Mayroon tayong likas na pagnanasang bigyang-kasiyahan ang ating mga gana at hangarin ang lahat ng uri ng ginhawa at kasiyahan. Ngunit ang “likas” ay hindi palaging nangangahulugan ng “mabuti.” Kung hindi natin kokontrolin ang ating likas na mga pagnanasa—kung ang pinapansin lamang natin ay ang mga likas na bagay at binabalewala natin ang mga espirituwal na bagay—tayo ay nagiging makasarili, makasalanan, malupit, at walang-puso.

Para madaig ang likas na tao, kailangan tayong espirituwal na isilang na muli sa pamamagitan ni Jesucristo at ng Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo. Dapat tayong makinig sa Banal na Espiritu at sumunod sa mga utos ng Panginoon. Kailangan tayong maging “tulad ng isang bata, masunurin, maamo, mapagpakumbaba, mapagtiis, puno ng pag-ibig, nakahandang pasakop” sa kalooban ng Panginoon (Mosias 3:19).