Para sa Lakas ng mga Kabataan
Ibang Uri ng Pagpapagaling
Abril 2024


“Ibang Uri ng Pagpapagaling,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Abr. 2024.

Mga Tinig ng mga Kabataan

Ibang Uri ng Pagpapagaling

pamilya

Kaliwa pakanan: Caeli (kapatid), Cameron (tatay), Crystal (nanay), Cara, Cohen (kapatid)

May sakit na ang nanay ko noong apat na taong gulang pa lang ako. Noong una, walang nakakaalam kung ano iyon, pero ipinagdasal at ipinag-ayuno kami ng aming mga kapamilya at kaibigan para malaman kung ano ang sakit niya. Pagkaraan ng maraming taon ng mga operasyon at pagsusuri, nalaman namin na mayroon siyang Chiari malformation, kanser sa dugo, at ilang iba pang karamdaman na walang lunas.

Nakikitang napakalubha ng sakit ng nanay ko, nagsimula akong magalit sa Diyos. Alam ko na may kapangyarihan Siyang pagalingin ang nanay ko, kaya hindi ko maunawaan kung bakit hindi Niya iyon ginawa. Inakala ko na nasayang ang lahat ng dasal, pangangalap ng pondo, at pag-aayuno.

Pero nang panoorin ko ang pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2021 kasama ang aking pamilya, narinig kong sinabi ni Elder Brent H. Nielson ng Pitumpu na, “Ang kapangyarihang makapagpagaling ng Tagapagligtas ay hindi lamang ang Kanyang kapangyarihang pagalingin ang ating katawan, kundi marahil ang mas mahalaga, ang Kanyang kapangyarihang pagalingin ang ating puso.” Nang anyayahan ng nabuhay na mag-uling Tagapagligtas ang mga tao sa Aklat ni Mormon na mapagaling, “hindi pisikal na pagpapagaling ang tinutukoy ng Tagapagligtas, kundi espirituwal na pagpapagaling ng kanilang mga kaluluwa” (Liahona, Nob. 2021, 57).

Sa mga salitang ito ay natanto ko na hindi ako binabalewala ng Diyos. Hindi ko lang nakikita kung paano Niya pinagagaling ang nanay ko sa mas mahalagang paraan kaysa pawiin ang kanyang mga karamdaman.

Hindi pa rin gumagaling ang nanay ko, pero naroon ang Ama sa Langit para sa kanya sa pinakamahihirap niyang karanasan. Tinutulungan Niya ang nanay ko kapag napakasama ng pakiramdam nito. Ngayon kapag pinagninilayan ko ang karanasang ito, alam ko na alam talaga ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang mismong nadarama at pinagdaraanan ko.

Cara C., 13, Rhode Island, USA

Mahilig bumarkada sa mga kaibigan at anyayahan silang maglaro.