“Maging Kaibigan na Tulad ng Kailangan Mo,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Abr. 2024.
Maging Kaibigan na Tulad ng Kailangan Mo
Maaari mong tulungan at sagipin ang isang tao.
Nakapunta ka na ba sa isang party, sayawan, o iba pang aktibidad at hindi napakali sa paghahanap ng kakilala mo? Gusto mong makita ka nila at sagipin ka sa iyong kalungkutan. Sa kabilang dako naman, nakapasok ka na ba sa isang silid na puno ng mga tao at napansin mo ang isang tao na nakatayong mag-isa? Hindi kaya naghihintay rin siya na may sumagip sa kanya?
Kumilos, Huwag Maghintay
Bawat isa sa atin ay nangangailangan ng isang kaibigan. Ang ibig sabihin niyan ay may iba pang mga taong naghihintay sa iyo na kaibiganin sila.
Sabi ni Pangulong Henry B. Eyring, Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan, “Kailangan nating lahat ng mga tunay na kaibigan na magmamahal, makikinig, magpapakita ng halimbawa, at sasaksi sa katotohanan sa atin nang sa gayo’y mapanatili natin ang pagsama ng Espiritu Santo.”1 Kung kailangan nating lahat ng tunay na kaibigan, kailangan tayong maging isang tunay na kaibigan.
Kung magiging mabuting kaibigan ka na hinahanap ng ibang mga tao, hindi mo kailangang hintayin na mahanap ka nila. Maaari mong hanapin ang iba na nangangailangan ng kaibigan at ikaw muna ang sumagip sa kanila!
Ano ang Ginagawa ng mga Tunay na Kaibigan
Kung minsa’y iniisip ng mga tao na ang ibig sabihin ng pagiging mabuting kaibigan ay pagsuporta sa mga desisyon ng iyong mga kaibigan—gaano man kamali o kadelikado ang mga desisyong iyon. Pero tulad ng itinuro ni Pangulong Eyring, ipinapakita ng isang mabuting kaibigan ang halimbawa para manatili sa atin ang Espiritu Santo.
Ang pagiging mabuting kaibigan, kung gayon, ay nangangahulugan na kung minsa’y kailangan nating gabayan nang hinay-hinay ang ating mga kaibigan sa landas ng pagkadisipulo. Ang paghamak sa ating mga kaibigan at pagiging mapanghusga ay hindi makakatulong. Pero kung talagang mahal natin sila, nanaisin nating mahalin sila hanggang sa maging ligtas sila sa landas ng tipan tulad ng ginawa ng Tagapagligtas. Gaano man ito katagal.
Sino ang kailangan mong kaibiganin para masagip mo sila ngayon?