“Madalas magtalo ang mga magulang ko. Ano ang magagawa ko para sikaping mapanatili ang Espiritu sa aming tahanan?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Abr. 2024.
Mga Tanong at mga Sagot
“Madalas magtalo ang mga magulang ko. Ano ang magagawa ko para sikaping mapanatili ang Espiritu sa aming tahanan?”
“Subukang ipagdasal na magkaroon ng pagmamahalan at kapayapaan sa inyong tahanan. Laging nariyan ang Ama sa Langit para maghatid ng Espiritu, at tinuturuan Niya tayo kung paano maging mas mapagmahal. Ang pagpapakita sa iyong mga magulang na mahal-na-mahal mo sila ay maaaring magpalambot sa kanilang puso.”
Ethan D., 17, Texas, USA
“Kapag sinisikap nating gawin ang mga bagay na nag-aanyaya sa Espiritu sa sarili nating mga iniisip at ginagawa, nagpapakita tayo ng halimbawa sa iba. Kahit isang tao lang ang pumipiling gumawa ng kabutihan ito ay maaaring makagawa ng kaibhan.”
Kelsey L., 17, Missouri, USA
“Nadarama ko ang Espiritu Santo kapag nagdarasal ako o nakikinig sa musika ng Simbahan para sa mga kabataan. Nadarama ko rin ito kapag nakikita ko ang personal na mga pagpapala ng Ama sa Langit para sa akin. Kapag nadarama mo na mahirap panatilihin ang Espiritu sa inyong tahanan, hanapin ang mga pagpapala ng Diyos sa iyong buhay.”
Beckett V., 13, Florida, USA
“Ang nakatulong sa akin ay ang patuloy na pagsisikap na magkaroon ako ng mga espirituwal na sandali. Ang pagbabasa ng mga banal na kasulatan, pagpunta sa mga aktibidad ng Simbahan, at taimtim na pagdarasal ay nakatulong na mapasaakin ang Espiritu.”
Claudia L., 18, Minden, Germany
“Noong nasa Ehipto si Jose, ang kanyang mabuting halimbawa at pagkamarapat ang naging daan para makalabas siya sa bilangguan at tumulong sa kanyang pamilya at kay Faraon. Kung gusto mong tulungan ang isang taong malapit sa iyo na nakikipagtalo, ipakita sa kanya ang Liwanag ni Cristo at ang Kanyang mga alituntunin ng pagmamahal sa isa’t isa.”
Seth J., 16, Utah, USA