Para sa Lakas ng mga Kabataan
Alalahanin Kung Ano ang Pinakamahalaga
Abril 2024


“Alalahanin Kung Ano ang Pinakamahalaga,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Abr. 2024.

Mga Salitang Ipamumuhay

Alalahanin Kung Ano ang Pinakamahalaga

dalagita

Una, isang ugnayan sa ating Ama sa Langit at sa Kanyang Anak, ang Panginoong Jesucristo. Ang ugnayang ito ang pinakamahalaga ngayon at sa kawalang-hanggan.

pamilya

Pangalawa, mga ugnayan ng pamilya.

Isinasama ko ang mga kamag-anak, kaibigan, at maging ang mga pamilya sa ward. Ang mga ugnayang ito ay mahalaga para sa emosyonal at pisikal na kalusugan.

lalaking inaalo ang babaeng may baling braso

Pangatlo, pagsunod sa mga pahiwatig ng Espiritu sa ating pinakamahahalagang ugnayan at sa ating mga pagsisikap na mahalin ang ating kapwa tulad sa ating sarili.

lalaking may hawak na aklat

Panghuli, pagbabalik-loob sa Panginoon, pagpapatotoo tungkol sa Kanya, at paglilingkod sa Kanya.

Magpatotoo nang mas madalas tungkol kay Jesucristo. Magpatotoo tungkol sa iyong nalalaman at pinaniniwalaan at kung ano ang iyong nadarama. Pagtitibayin ng Espiritu Santo ang katotohanan sa mga taong masigasig na nakikinig sa iyong patotoo.