Para sa Lakas ng mga Kabataan
24 Oras
Abril 2024


“24 Oras,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Abr. 2024.

24 Oras

Maraming ginagawa ang katawan mo para sa iyo sa loob ng 24 oras. Ano ang magagawa mo para dito?

anatomiya

Mga larawang-guhit ni Alissa Thaler

Isipin ito:

At nangyayari ang lahat ng ito nang hindi mo man lang ito iniisip! Kung ikaw ay nag-iisip tungkol dito, mas marami pang magagawa ang iyong katawan.

Magpakatotoo na tayo. Malamang na hindi mo gawin (at hindi mo dapat gawin) ang anumang bagay nang tuluy-tuloy sa loob ng 24 oras. Pero maaari mong piliing gamitin ang oras mo sa paggawa ng isang bagay na nakalulusog sa katawan para suklian ang napakaraming ginagawa nito para sa iyo. Ito ang isang paraan na maipapakita mo sa Ama sa Langit na nagpapasalamat ka para sa kaloob na naibigay Niya sa iyo.

Ang Aking Malusog na 24 Oras

Kaya, mayroon kang 24 oras bawat araw sa linggong ito (at sa susunod na mga araw!). Paano mo maigagalang ang katawan mo bilang isang sagradong kaloob mula sa Diyos?

Ang Aking Mithiin:

Halimbawa: Matulog nang mas mahimbing.

Maglista ng tatlong hakbang na magagawa mo kada 24 oras para sikaping makamit ang iyong mithiin.

1.

Halimbawa: Makinig sa nakapapanatag na musika bago matulog.

2.

Halimbawa: Ilayo ang cell phone ko pagsapit ng 9:00 p.m.

3.

Halimbawa: Iwasang mag-kayak patawid ng English Channel nang dalawang beses na magkasunod.

Sa susunod na linggo, markahan kung makumpleto mo ang mga inilista mo sa itaas.

  • Lun

  • Mar

  • Miy

  • Huw

  • Biy

  • Sab

  • Lin

Kumusta na? May gagawin ka bang naiiba kaysa rati sa susunod na linggo?

Konklusyon

Kapag inalagaan mo ang katawan mo, pagpapalain ka sa pisikal at espirituwal. At mas magagawa mong pansinin ang Espiritu at gawin ang kalooban ng Ama sa Langit.

“O hindi ba ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo? … Kaya’t luwalhatiin ninyo [ang Diyos sa] inyong katawan[, at sa inyong espiritu, na pag-aari ng Diyos]” (1 Corinto 6:19–20; tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 89).

At, tulad ng sabi ni Pangulong Russell M. Nelson, “Sa pagbibigay sa atin ng [kaloob na] katawan, tinutulutan tayo ng Diyos na umunlad patungo sa pagiging higit na katulad Niya” (“Maaari Tayong Gumawa nang Mas Mahusay at Maging Mas Mahusay,” pangkalahatang kumperensya ng Abr. 2019 [Ensign o Liahona, Mayo 2019, 68]).