Kumonekta
Isaac J.
12, Western Australia, Australia
Marami akong ginagawang athletics, kabilang na ang racing at shot put. Bago ganapin ang bawat race o paligsahan nagdarasal ako at humihiling sa Diyos na tulungan ako. Nagkaroon na ng ilang pagkakataon na inakala ko na walang paraan para manalo ako, pero pinagpala ako ng Diyos at tinulungan akong magpatuloy.
Kung minsa’y nagkakaroon ako ng mga pahiwatig sa sports. Minsan sa isang shot put event may gagawin sana akong isang partikular na teknik, pero nadama ko na dapat akong gumamit ng iba, at nanalo ako!
Alam ko na hindi ako mananalo sa sports sa lahat ng pagkakataon, at OK lang iyan. Pero sa palagay ko ay may malasakit ang Ama sa Langit sa aking personal na pag-unlad. Nagmamalasakit Siya sa lahat ng bagay sa ating buhay. Nagbibigay Siya ng mga kaloob sa mga tao, at mahalaga sa Kanya ang aking mga kaloob.